Duterte walang sakit, puyat lang — Panelo

NAGPALIWANAG ang Malacañang kung bakit si Defense Secretary Delfin Lorenzana ang nagbigay ng diploma sa mga nagtapos na kadete ng Philippine Military Academy (PMA) noong linggo sa Fort del Pilar, Baguio City sa halip na si Pangulong Rodrigo Duterte.

The post Duterte walang sakit, puyat lang — Panelo appeared first on Abante News Online.

duterte walang sakit puyat lang panelo - Duterte walang sakit, puyat lang — Panelo
duterte 49 - Duterte walang sakit, puyat lang — Panelo

NAGPALIWANAG ang Malacañang kung bakit si Defense Secretary Delfin Lorenzana ang nagbigay ng diploma sa mga nagtapos na kadete ng Philippine Military Academy (PMA) noong linggo sa Fort del Pilar, Baguio City sa halip na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kulang sa tulog ang Pangulo at dalawang oras lang umidlip kaya inantok ito sa graduation rites.
Ipinaliwanag ni Panelo na maraming mga dokumentong binasa at pinirmahan ang Presidente bago ang PMA graduation kaya kulang ito sa tulog.

Bukod dito, alam aniya ng marami na ‘night person’ si Pa­ngulong Duterte kaya natutulog ito alas-sais na nang umaga, at ang oras ng graduation rites ay oras ng kanyang tulog.

“President Duterte lacked the day before the event, working on papers, reading reports from various departments and signing papers. He is a night person. He usually sleeps at 6am, he had to wake up at 8:30am for the PMA graduation rites so he had only two hours sleep,” ani Panelo.

Sinabi ng kalihim na walang nilabag na tradisyon sa PMA graduation rites ang Pangulo dahil batay sa protocol, ang Presidente o maaari nitong atasan ang secretary of National Defense na gumawa nito.

Sinabi pa ni Panelo na inireserba ni Pangulong Duterte ang kanyang lakas sa iba pang bahagi ng seremonya at nakita naman ng publiko na nagpapatawa na sa kanyang talumpati.

“The protocol in distributing diplomas is either he does it himself or he tasks the Secretary of National Defense to do it. He opted to let SND did the handling of certificates. He reserved his energy for the other ceremonial acts he had to perform for the graduation rites,” dagdag pa ni Panelo.
Pinuna ng mga netizen ang Pangulo sa social media dahil sa hitsura nitong antok na antok habang nakaupo sa grandstand at ang iba ay kinuwestiyon na naman ang kundisyong pangkalusugan nito.

Tiniyak naman ni Panelo na malusog at masigla ang Pangulo at kaya nitong bumiyahe sa Japan para sa official visit ngayong linggo.

“To the people who wish him to be seriously ill, they will be disappointed. The President is in good health, robust enough to be travelling to Japan for an official visit upon the invitation of Prime Minister Abe,” ani Panelo. (Aileen Taliping)

The post Duterte walang sakit, puyat lang — Panelo appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *