Duterte umapela ng tulong sa Malaysia

Nakiusap si Pangulong Rodrigo Duterte sa gobyerno ng Malaysia na tulungan ang mga Pilipinong nasa kanilang bansa partikular ang mga nasa Sabah sa gitna ng panganib ng COVID-19.

The post Duterte umapela ng tulong sa Malaysia first appeared on Abante.

duterte umapela ng tulong sa malaysia - Duterte umapela ng tulong sa Malaysia
ABANTE Duterte 1 - Duterte umapela ng tulong sa Malaysia

Nakiusap si Pangulong Rodrigo Duterte sa gobyerno ng Malaysia na tulungan ang mga Pilipinong nasa kanilang bansa partikular ang mga nasa Sabah sa gitna ng panganib ng COVID-19.

Ito’y matapos iulat ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Pangulo na mayroon nang mahigit 2,000 Pinoy ang napauwi mula sa Sabah habang may natitira pang 3,000 na naghihintay ng repatriation.

Sa kanyang mensahe sa bayan Lunes ng gabi, sinabi ng punong ehekutibo na hinihiling niya sa gobyerno ng Malaysia na tulungan ang mga Pilipino gaya ng ginagawang pag-alalay ng Pilipinas sa mga mamamayan nito.

Nais ni Pangulong Duterte na mabigyan ng hospital care ang mga Pilipino sa Sabah. (Aileen Taliping)

The post Duterte umapela ng tulong sa Malaysia first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *