Duterte tiwala pa rin kay Faeldon

Tatlong araw matapos sibakin si Bureao of Correction (BuCor) chief Nicanor Faeldon, mistulang kalmado na ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte nang sabihin nito na may tiwala pa rin siya dito.

duterte tiwala pa rin kay faeldon - Duterte tiwala pa rin kay Faeldon
duterte 2 6 - Duterte tiwala pa rin kay Faeldon

Tatlong araw matapos sibakin si Bureao of Correction (BuCor) chief Nicanor Faeldon, mistulang kalmado na ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte nang sabihin nito na may tiwala pa rin siya dito.

“He is a good person. I still believe in him, ” sabi ni Duterte sa kanyang speech sa Naga City, Cebu kahapon.

TInukoy ng Pangulo na si Faeldon na si dating Customs commissioner ang nakatisod sa P3.2 bilyong halaga ng sigarilyo na may pekeng tax stamp ng Mighty cigarette noong 2017.

“We earned P37 bilyon from that report,” sabi pa nito sa salitang Bisaya.

Dito pa lang aniya ay maaari na sanang yumaman si Faeldon kung nagpa-areglo ito pero mas piniling isumbong sa kanya kaya nakakubra ang gobyerno ng malaking halaga.

Gayonman, walang binanggit si Pangulong Duterte kung bibigyan pa niya ng inang puwesto sa gobyerno si Faeldon matapos ang kontrobersiya sa GCTA.

Sa pinakahuling pagdinig sa Senado, nabunyag na pinagkakitaan ng ilang Bucor officials at empleyado ang GCTA para lumaya ang ilang preso kahit hindi kuwalipikado ang mga ito.

Matatandaan na noong Miyerkules, sinibak ni Duterte si Faeldon dahil sa pagsuway sa kanyang kautusan na huwag payagang makalaya ang mga convict sa heinous crime. ( Prince Golez/Aileen Taliping)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *