Duterte tambak ang pinipirmahan

ABALA si Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-review at pagpirma ng mga dokumento kaya hindi ito nakikita ng publiko.

The post Duterte tambak ang pinipirmahan appeared first on Abante News Online.

duterte tambak ang pinipirmahan - Duterte tambak ang pinipirmahan
duterte 3 2 - Duterte tambak ang pinipirmahan

by Aileen Taliping

Kaya 1 week ‘di nakita ng publiko

ABALA si Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-review at pagpirma ng mga dokumento kaya hindi ito nakikita ng publiko.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo dahil sa obserbasyon na halos isang linggong hindi nakita ng publiko ang Presidente matapos dumating mula sa pagdalo nito sa Belt and Road Forum sa Beijing, China.

Ayon kay Panelo, nasa Davao City lamang si Pangulong Duterte at marami itong kaila­ngang pirmahang mga dokumento.

“He is busy with a lot of paperworks. He has plenty of works. There’s so many paperworks, there’s so many papers to sign, binabasa kaya nas a bahay lang siya,” ani Panelo.

Matatandaang inihayag ng Pangulo sa kanyang mga nakalipas na talumpati na tambak ang mga dokumento sa kanyang opisina at kailangan niya itong basahin at pag-aralan bago pirmahan.

Inilarawan pa ng Presidente na bunton ang mga papeles sa kanyang mesa kaya kung magkaminsan ay naiinis ito dahil sa dami ng mga dapat pirma­han.

The post Duterte tambak ang pinipirmahan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *