Duterte sa pulis na tumodas ng mag-ina! Budburan ng COVID ang ulol

Hindi maitago ni Pangulong Rodrigo Duterte ang galit sa pulis na pumatay sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac at hiniling na sana ay matamaan ng COVID-19 o kaya ay pakainin na ng virus.

The post Duterte sa pulis na tumodas ng mag-ina! Budburan ng COVID ang ulol first appeared on Abante.

duterte sa pulis na tumodas ng mag ina budburan ng covid ang ulol - Duterte sa pulis na tumodas ng mag-ina! Budburan ng COVID ang ulol
abante duterte 23 1 - Duterte sa pulis na tumodas ng mag-ina! Budburan ng COVID ang ulol

Hindi maitago ni Pangulong Rodrigo Duterte ang galit sa pulis na pumatay sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac at hiniling na sana ay matamaan ng COVID-19 o kaya ay pakainin na ng virus.

Sa kanyang regular na mensahe sa bayan, sinabi ng Pangulo na ang mga taong maysakit sa utak tulad ni Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca ay dapat pakainin ng COVID para hindi pamarisan.

“Iyong mga tao na maysakit sa ulo, dapat yon…hindi na lang kaya ‘yung pulis ang na-COVID, ang buang. Pakainin ninyo ng COVID yung ulol na iyon!,” anang Pangulo.

Binigyang -diin ng Pangulo na mahal niya ang mga sundalo at pulis dahil itinataya ng mga ito ang kanilang buhay sa giyera man o sa mga sakuna subalit sadyang mayroon aniyang iilang bugok na sumisira sa institusyon kung saan sila kabilang.

Hindi na aniya makakalusot pa sa batas si Nuezca dahil tiyak na pagdudusahan ang ginawang pagpatay sa mag-inang Gregorio .

“I don’t think that you can escape the rigours of justice because nakuha sa tv. Pati ako napanganga. Kawala-walang kuwenta,” dagdag ng Pangulo.

Batay sa record ng PNP, may mga homicide cases si Nuezca subalit nagawa nitong malusutan ang mga ito.

Sinabi rin ng Pangulo na malaking kuwestiyon kung paano nakalusot sa neuro test si Nuezca dahil sa interview pa lamang ay malalaman na kung maayos ang pag-iisip o hindi ng isang papasok sa pagka-pulis.

“May sakit ito sa utak. Topak. And I was wondering why he was able to –nakalusot sa neuro. Tarantado yung g*** na yon,” anang Pangulo.

” I’d like to call the PNP: be sure that he is detained ha. He should not be allowed to go out kasi serious offense yan. There’s no bail. So hindi maka-bail yan. Dire-diretso na yan,” wika ng Pangulo.(Aileen Taliping)

The post Duterte sa pulis na tumodas ng mag-ina! Budburan ng COVID ang ulol first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *