Duterte sa mga gov’t hospital: ‘Wag itaboy mga pasyente

WINARNINGAN ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang mga ospital ng gobyerno na tatangging tumanggap ng pasyenteng walang pera.

The post Duterte sa mga gov’t hospital: ‘Wag itaboy mga pasyente appeared first on Abante News Online.

duterte sa mga govt hospital wag itaboy mga pasyente - Duterte sa mga gov’t hospital: ‘Wag itaboy mga pasyente
rodrigo duterte 01 - Duterte sa mga gov’t hospital: ‘Wag itaboy mga pasyente

WINARNINGAN ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang mga ospital ng gobyerno na tatangging tumanggap ng pasyenteng walang pera.

Sinabi ng Pangulo na libre na ang pagpapaospital ng mga pinakamahihirap na pasyente kayat hindi maaaring itaboy ang mga ito kapag nagpagamot sa alinmang ospital ng pamahalaan.

Hinimok ng Pangulo ang publiko na magsumbong o iparating sa kanyang tanggapan kapag may mga doktor na tumangging gumamot ng pasyente.

“Hospitalization is free now. If nobody pays for it, tell the doctor and nurse: ‘I’m going home because I’m okay now. Let Duterte pay my bills.’ And I will be the one to pay for it. It’s free now. They can’t turn you away,” anang Pangulo.

Kapag aniya may natanggap itong report na tumanggi sa isang mahirap na pasyente ay personal na pupuntahan niya ang doktor at siya ang magbubukas sa ulo nito.

“If a doctor refuses to treat you, I will go to the hospital and say, ‘let’s perform an operation on his head. Let’s open it so we can see why…. he is incapable of serving well.’ I particularly warn go­vernment hospitals against this,” dagdag pa ng Pangulo.

Binigyang-diin ni Pa­ngulong Duterte na huwag itaboy ang mga pas­yente kapag wala silang pera, at manghiram ng gamot sa mga botika kapag walang supply na gamot ang botika ng pagamutan.

Matatandaang u­nang nagbigay ang Pangulo ng isang bil­yong piso sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa libreng gamot ng mga pinakamahihirap na Pilipino, bukod pa sa 100 mil­yong piso kada buwan sa Philippine General Hospital (PGH) para sa lib­reng gamot ng mga mahihirap na mamamayan.

The post Duterte sa mga gov’t hospital: ‘Wag itaboy mga pasyente appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *