Duterte sa Kongreso: Hands-off sa PSG!

Pinrangka ni Pangulo Rodrigo Duterte ang Kongreso dahil sa pagiging mainit sa isyu nang pagpapabakuna ng Presidential Security Group (PSG).

The post Duterte sa Kongreso: Hands-off sa PSG! first appeared on Abante.

duterte sa kongreso hands off sa psg - Duterte sa Kongreso: Hands-off sa PSG!
abante duterte 2 4 - Duterte sa Kongreso: Hands-off sa PSG!

Pinrangka ni Pangulo Rodrigo Duterte ang Kongreso dahil sa pagiging mainit sa isyu nang pagpapabakuna ng Presidential Security Group (PSG).

Sa kanyang regular na mensahe sa bayan, diniretso ng Pangulo ang mga senador na nais mag-imbestiga sa naging aksiyon ni PSG Commander Brigadier General Jesus Durante III na huwag panghimasukan ang PSG.

Sinabi ng Pangulo na hindi niya papayagang humarap sa senado si Durante dahil ginawa aniya ng PSG ang pagpapabakuna para sa kapakanan ng kanilang buhay.

“I would like to call on Congress na hindi naman ako nakikiusap. Diretso na salita na do not tinker with the PSG. I’m telling you as a President it’s a matter of self-preservation,” anang Pangulo.

Hindi nagustuhan ng Presidente ang tila pagkuyog ng mga kritiko at oposisyon sa PSG, pati na ang pagbabanta ng ilang mambabatas na kakasuhan ang mga nagbabantay sa kanya.

Kapag aniya dadaanin sa pananakot ang PSG para humarap sa imbestigasyon ng senado, sinabi ni Pangulong Duterte na aatasan niya ang mga ito na huwag sumagot.

“If that’s the case, then I would ask the PSG to just shut up. Do not answer. Invoke the right against self-incrimination at wala kayong makukuha,”dagdag ng Pangulo.

Nagbanta rin si Pangulong Duterte na huwag piliting humarap sa senado ang kanyang mga sundalo dahil hindi magiging maganda ito para sa lahat.

Inatasan din ni Duterte si Durante na huwag sumunod sa sandaling ipatawag ng mga mambabatas para humarap sa imbestigasyon kaugnay sa ginawang pagpapabakuna sa kanyang mga tauhan.

“I will tell Durante, do not obey the summons. I am ordering you to stay put in the barracks,” anang Pangulo.

“What is there in a legislation that you can make that has something go do with vaccine? You cannot legislate vaccine,” dagdag ng Pangulo.(Aileen Taliping)

The post Duterte sa Kongreso: Hands-off sa PSG! first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *