Duterte pinardon killer ni Laude

Ginawaran ng absolute pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang US Marine na si Joseph Scott Pemberton, na nakulong dahil sa pagpaslang ng Pinay transgender na si Jennifer Laude noong 2014.

The post Duterte pinardon killer ni Laude first appeared on Abante.

duterte pinardon killer ni laude - Duterte pinardon killer ni Laude
abante rody duterte 1 - Duterte pinardon killer ni Laude

Ginawaran ng absolute pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang US Marine na si Joseph Scott Pemberton, na nakulong dahil sa pagpaslang ng Pinay transgender na si Jennifer Laude noong 2014.

Binahagi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang balita sa kanyang tweet nitong Lunes.

“Cutting matters short over what constitutes time served, and since where he was detained was not in the prisoner’s control—and to do justice—the President has granted an absolute pardon to Pemberton. Here at the Palace,” saad ni Locsin.

Si Pemberton ay nakatanggap ng release order mula sa Olongapo Regional Trial Court dahil pasok na umano ang computation ng kanyang good conduct time allowance (GCTA) para mapaikli ang 10 taong sentensya para sa Kano.

Ngunit pinag-utos ng Department of Justice na huwag munang palayain ang naturang murderer habang nakabinbin pa ang motion for reconsideration sa paglaya nito.

Ikinagulat naman ng kampo ni Laude ang desisyon ni Duterte. (RP)

The post Duterte pinardon killer ni Laude first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *