Duterte pinambala ni Duque vs resign call

KINASAHAN ni Health Secretary Francisco Duque III ang kanyang mga kritiko na nananawagang magbitiw siya sa puwesto at ibinida na hindi niya hiningi ang posisyon kundi ibinigay ito sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

The post Duterte pinambala ni Duque vs resign call first appeared on Abante.

duterte pinambala ni duque vs resign call - Duterte pinambala ni Duque vs resign call
abante duque 1 - Duterte pinambala ni Duque vs resign call

KINASAHAN ni Health Secretary Francisco Duque III ang kanyang mga kritiko na nananawagang magbitiw siya sa puwesto at ibinida na hindi niya hiningi ang posisyon kundi ibinigay ito sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Binigyang-diin ni Duque sa isang panayam sa ABS-CBN’s Teleradyo na dapat hintayin muna ang resulta ng imbestigasyon ng Task Force PhilHealth ukol sa alegasyon ng katiwalian sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Si Duque ang chairman ng PhilHealth.

“Trabaho lang kasi ito lahat. Unang-una, hindi naman tayo humingi nitong trabaho na ito. Tayo ay inanyayahan ng Pangulo na tulungan siya sa kanyang administrasyon, dahil alam naman ninyo na dati na akong naging kalihim, ‘di ba?” sabi ng kalihim.

“Ito ay pangalawang beses. Kumbaga, what else do I have to prove, ‘di ba? Wala naman, kung hindi trabaho lang para sa bayan at para rin makatulong na maging tagumpay ang administrasyon ni Pangulong Duterte. So tayo, trabaho lang,” aniya pa.

Nanungkulan bilang health secretary si Duque sa panahon ni dating Presidente Gloria Macapagal-Arroyo.

Ginawa ni Duque ang pahayag matapos manawagan ang Senado kay Pangulong Rodrigo Duterte na palitan na si Duque ng bagong kalihim ng DOH na may “stronger will” na malabanan ang korapsiyon sa kanyang hinahawakang organisasyon at mga ahensiya.(RC)

The post Duterte pinambala ni Duque vs resign call first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *