Duterte pinalawig bisa ng 2020 budget, Bayanihan 2

Maaari ng gamitin hanggang 2021 ang pondong inilaan sa Bayanihan 2 pati na ang pagpapalawig sa paggamit sa budget sa General Appropriations Act of 2020.

The post Duterte pinalawig bisa ng 2020 budget, Bayanihan 2 first appeared on Abante.

duterte pinalawig bisa ng 2020 budget bayanihan 2 - Duterte pinalawig bisa ng 2020 budget, Bayanihan 2
duterte 5 1 - Duterte pinalawig bisa ng 2020 budget, Bayanihan 2

Maaari ng gamitin hanggang 2021 ang pondong inilaan sa Bayanihan 2 pati na ang pagpapalawig sa paggamit sa budget sa General Appropriations Act of 2020.

Ito ay matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong December 29,2020 ang Republic Act 11519 na nagpapalawig sa paggamit sa natitira pang pondo sa Bayanihan to Recover as One Act at Republic Act 11520.

Layon ng batas na patuloy na matustusan ang pangangailangan ng bansa sa pagtugon sa problema sa COVID pandemic at para makabangon sa epektong idinulot ng COVID-19.

Sa ilalim ng R.A. 11519, magagamit ang natitirang pondo ng Bayanihan 2 hanggang sa June 30.2021, habang hanggang December 31,2021 naman maaaring gamitin ang natira mula sa 2020 GAA.

Dahil sa pandemya, maraming mga napondohang proyekto sa ilalim ng 2020 GAA ang naantala at naipagpaliban dahil sa ipinatupad na community quarantine at hindi natapos ang mga ito.(Aileen Taliping)

The post Duterte pinalawig bisa ng 2020 budget, Bayanihan 2 first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *