Duterte pinagmalaki ang mga pambato sa PDP-Laban

SA kanyang talumpati sa proclamation rally ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Puerto Princesa City, Palawan muling ipinagmalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga katangian ng pangunahing pambato at presidente ng PDP-Laban na si reeleksiyonistang si Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel III na sinaluduhan niya.

The post Duterte pinagmalaki ang mga pambato sa PDP-Laban appeared first on Abante News Online.

duterte pinagmalaki ang mga pambato sa pdp laban - Duterte pinagmalaki ang mga pambato sa PDP-Laban
duterte 7 - Duterte pinagmalaki ang mga pambato sa PDP-Laban

SA kanyang talumpati sa proclamation rally ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Puerto Princesa City, Palawan muling ipinagmalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga katangian ng pangunahing pambato at presidente ng PDP-Laban na si reeleksiyonistang si Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel III na sinaluduhan niya.

“Koko Pimentel, bar topnotcher, Mr. Public Service at may prinsiyo na tao. ‘Yan lang, saludo na ako,” sabi ng Pangulo sa paglalarawan kay Pimentel.

Hinggil sa PDP-Laban, idiniin ni Duterte: “Talking back kay Pimentel, ako ‘pag wala kang prinsip­yo, wala ka talaga sa akin. Ako, sabi ko sa inyo, when I won the mayorship in 1988, sinabi ko sa mga tao, the party that I am with now will be my party when I make my exit. Isa lang ako. All those years, isa lang ako.”

Nauna rito, sa PDP-Laban rally sa San Jose del Monte City sa Bulacan na dinaluhan ng mahi­git 30,000 tagasuporta, ipinagmalaki ni Duterte sa kanyang pag-endorso kay Pimentel ang mga katangian nito.

“Bar topnotcher ito e. Mahusay. Honest. Lahat nakuha niya,” sabi ni Duterte tungkol kay Pimentel na inilarawan niyang “a worthy son of a great father” mula sa Mindanao patungkol kay dating Senador Aquilino ‘Nene’ Pimentel Jr., na dating pa­ngulo ng Senado at unang nahalal na senador noong 1987, nagsilbing kalihim ng Interior and Local Go­vernment at naging alkalde ng Cagayan De Oro City.

Nang pangunahan ni Pimentel ang Senado, tiniyak niyang makakapasa ang mga pangako ni Duterte sa kampanya tulad ng free college education (RA 10931), free irrigation (RA 10969), lo­wer personal income tax (RA 10963), the increase in the base pay of PNP at AFP (Jt. Reso. 1, s. 2018), Anti-Red Tape (RA 11032), 10-year Passport Vali­dity (RA 10928), and 5-year Driver’s License Vali­dity (RA 10930).

Bukod kay Pimentel, inendorso rin ni Duterte ang iba pang PDP Laban senatorial candidate na sina Rep. Zajid ‘Dong’ Mangudadatu, General Ro­nald Bato dela Rosa, dating SAP Christopher Bong Go, at Secretary Francis Tolentino.

The post Duterte pinagmalaki ang mga pambato sa PDP-Laban appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *