Duterte pinag-bulletproof car sa Japan

KINONTRA ng Malacañang ang ulat na nagmistula umanong ‘second class citizen’ si Pangulong Rodrigo Duterte sa Japan nang dumalo sa enthronement ni Emperor Naruhito nitong Martes, sa Imperial Palace sa Tokyo.

duterte pinag bulletproof car sa japan - Duterte pinag-bulletproof car sa Japan
duterte 101 - Duterte pinag-bulletproof car sa Japan

KINONTRA ng Malacañang ang ulat na nagmistula umanong ‘second class citizen’ si Pangulong Rodrigo Duterte sa Japan nang dumalo sa enthronement ni Emperor Naruhito nitong Martes, sa Imperial Palace sa Tokyo.

Sinabi ni Presidential­ Spokesman Salvador­ Panelo na walang katotohanan ang ikina­kalat sa social media dahil kitang-kita naman aniya sa inilabas nitong larawan na kahanay ng Pangulo ang mga head of state at royalty sa se­remonya.

Magaling lamang ­aniyang mang-intriga­ ang mga kritiko ni ­Pangulong Duterte pero hindi naman mapatunayan ang mga inilalabas na mga intriga.
“Yan ay absolutely false. Nagpalabas na ako ng larawan diyan eh, kung saan si Presidente ang katabi niya ay mga heads of state at mga royalty.

Walang katotohanan yan. Alam mo yang mga detractors na yan wala ng ginawa kundi maghasik ng intriga, ng paninira,” ani Panelo.

Katunayan ani Panelo­ ay maganda ang pagtrato kay Pangulong Duterte habang nasa Tokyo dahil isa lamang ito sa iilang bisita na pinagamit ng bulletproof na service, at bukod tanging pinayagang katawanin ng anak na si Mayor Sara Duterte-Carpio sa iba pang aktibidad na hindi pinapayagan ng protocol.

“Alam mo ba na si Presidente Duterte ay isa lang sa mga mabibilang lang sa daliri na binigyan ng bulletproof vehicle ng Japan. At siya rin ang Presidente na pinayagan na ang kakatawan sa kanya ay ang anak niya. Walang binibigay na…against protocol yon, kailangan heads of state lang,” dagdag ni Panelo.

Nilinaw ni Panelo na walang banta sa seguridad ng Pangulo sa Japan pero bilang head of state na gumagamit ng bulletproof car sa sariling bansa ay itinuloy lang ito ng gobyerno ng Japan habang nasa Tokyo ang Presidente.

“Napakamahal ng bullet proof vehicle di ba. In other words, that is how the Japanese go­vernment treats the Presi­dent, ganon ang pagtrato sa kanya, ang laki ng respeto ng Japanese go­vernment kay Presidente,” wika pa ni Panelo.­ ­(Aileen ­Taliping/Prince Golez)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *