Duterte nirerespeto desisyon ng Kamara

Kinumpirma ng Malacañang na nakipagkita si House Speaker Alan Peter Cayetano kay Pangulong Rodrigo Duterte noong Miyerkules ng gabi, matapos ang mga naging kaganapan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

The post Duterte nirerespeto desisyon ng Kamara first appeared on Abante.

duterte nirerespeto desisyon ng kamara - Duterte nirerespeto desisyon ng Kamara
abante rody duterte 5 - Duterte nirerespeto desisyon ng Kamara

Kinumpirma ng Malacañang na nakipagkita si House Speaker Alan Peter Cayetano kay Pangulong Rodrigo Duterte noong Miyerkules ng gabi, matapos ang mga naging kaganapan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na pasado alas siyete ng gabi nitong Miyerkules nang makipagkita si Cayetano sa Pangulo subalit walang ibinigay na detalye kung ano ang mga napag-usapan matapos ang kontribersiya sa Kamara.

Kasama aniya ni Cayetano ang kanyang asawang si Congressman Lani Cayetano at kapatid na si Senadora Pia Cayetano at Deputy House Speaker Bro. Eddie Villanueva.

“Ulitin ko po yung paninindigan ng ating Presidente, yung pagpili ng liderato ng Kamara ay isang internal matter para sa Kamara de Representante at nirerespeto ng Presidente ang naging desisyon ng Kamara na ibinasura yung pagbibitiw ni Speaker Alan Cayetano,” ani Roque.

Ang bilin lamang aniya ng Pangulo ay kailangang maipasa ang 2021 national budget para maisakatuparan ang COVID-19 response ng pamahalaan.

“Kung magkakaroon tayo ng reenacted budget, ay yung budget sa taong ito ay wala pang COVID-19 response,”wika ni Roque.(Aileen Taliping)

The post Duterte nirerespeto desisyon ng Kamara first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *