Duterte ninong sa kasal ng aide

Lahat ng auditor may katok — Duterte

MATAPOS ang ilang araw na trabaho sa Japan ay hinarap naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdalo sa kasal ng isa sa kanyang aide.

The post Duterte ninong sa kasal ng aide appeared first on Abante News Online.

duterte ninong sa kasal ng aide - Duterte ninong sa kasal ng aide
duterte 37 - Duterte ninong sa kasal ng aide

MATAPOS ang ilang araw na trabaho sa Japan ay hinarap naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdalo sa kasal ng isa sa kanyang aide.

Ninong ang Pangulo kasama si senator-elect Bong Go sa kasal nina 1lt. Jan Carlo Tabaculde at 1lt. Kerlyn Kaye Asuncion na ginanap sa St. Ignatius of Loyola sa Quezon City nitong Sabado nang hapon.

Batay sa mga kuhang lara­wan ni Go, kasama ring ninong ang ilang gabinete ng Pangulo na sina Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año at Dept. of Social Welfare and Development Secretary Rolando Bautista, Senator-elect Ronald ‘Bato’ dela Rosa at ilan pang mga opis­yal ng Armed Forces of the Phi­lippines (AFP).

Ang reception ng kasal ay ginawa sa AFP Commissioned Officers Clubhouse sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-ninong sa kasal ang Pangulo dahil siya rin ang isa sa mga principal sponsor sa kasal ng kanyang police aide at dating Miss Earth candidate na si Sofia Abdurajak.(Aileen Taliping)

The post Duterte ninong sa kasal ng aide appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *