Duterte nagpasaklolo sa LGU vs illegal logging, mining

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na walang nagawa ang gobyerno sa problema sa illegal logging at mining.

The post Duterte nagpasaklolo sa LGU vs illegal logging, mining first appeared on Abante.

duterte nagpasaklolo sa lgu vs illegal logging mining - Duterte nagpasaklolo sa LGU vs illegal logging, mining
abante rody 3 - Duterte nagpasaklolo sa LGU vs illegal logging, mining

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na walang nagawa ang gobyerno sa problema sa illegal logging at mining.

Sa briefing kahapon sa bagyong Ulysses sa Tuguegarao City, Cagayan kung saan ay personal na bumisita si Pangulong Duterte ay umapela ito sa mga local government units (LGUs) na kumilos para protektahan ang kalikasan.

“Itong ulan na ganito, o bagyo, either with winds or just water pouring from the heavens, we always talk about illegal logging and mining but actually nothing has been done about it,” pahayag ng Chief Executive.

“We work to prevent the repetition of disasters by redefining forest protection efforts against illegal logging and mining. I expect our LGUs to do their part in this endeavor,” dagdag ng Pangulo.

Hinimok rin ni Duterte ang local government units na aaktibong makipag-ugnayan sa inter-agency task force na kanyang binuo para manguna sa rehabilitation ng mga lugar na apektado ng nagdaang mga bagyo.

“Your lives, including your good health and safety and improved welfare, are the government’s highest priority,” dagdag nito.

Inatasan rin ng Pangulo si Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu na siyasatin ang illegal mining activities sa lalawigan.(Prince Golez)

The post Duterte nagpasaklolo sa LGU vs illegal logging, mining first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *