Duterte nag-shopping sa Tokyo

SINAMANTALA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakataon para mag-shopping habang may libreng oras kanyang working visit sa Tokyo, Japan.

The post Duterte nag-shopping sa Tokyo appeared first on Abante News Online.

duterte nag shopping sa tokyo - Duterte nag-shopping sa Tokyo
abante Duterte 1 - Duterte nag-shopping sa Tokyo

SINAMANTALA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakataon para mag-shopping habang may libreng oras kanyang working visit sa Tokyo, Japan.

Kasama ng Pangulo sa kanyang pagsa-shopping sa Uniqlo at Apple store ang kanyang partner na si Honeylet Avancena pati na si senator-elect Bong Go.

Binilhan ng Pangulo ang bunsong anak na si Kitty ng Apple watch, habang damit naman para kay Madam Honeylet.

Bumili naman ang Presidente ng laptop para sa personal na gamit.

Batay sa official schedule ni Pangulong Duterte nitong Huwebes, isang aktibidad lamang ang kanyang gagawin at ito ay ang pakikipagkita sa Filipino Community dakong alas-sais nang gabi.

Buong araw ay walang official na schedule ang Presidente kaya nagkaroon ito ng pagkakataong mag-ikot at mag-shopping sa Tokyo. (Aileen Taliping/Prince Golez)

The post Duterte nag-shopping sa Tokyo appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *