Duterte na-fake news sa Thailand

Hindi pa man nag-umpisa ang international summit na dadaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay nabiktima na ito ng fake news.

duterte na fake news sa thailand - Duterte na-fake news sa Thailand
ABANTE Duterte 13 - Duterte na-fake news sa Thailand

Hindi pa man nag-umpisa ang international summit na dadaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay nabiktima na ito ng fake news.

Kumalat sa online ang isang artikulo gamit ang Bangkok Post kung saan nasa front page na pinagsabihan umano ng hari ng Thailand si Pangulong Duterte na umayos o mag-behave sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

Pero agad na itinuwid ito ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar at ipinakita ang tunay na laman ng pahayagan sa pamamagitan ng video kung saan inilabas ang fake news.

Ayon kay Andanar, fake news ang kumalat sa online dahil ang tunay na isyu ay tungkol sa mobile phone sa Thailand.

“Meron po mga malisyoso na gumawa ng fake news na nakalagay dito ay pinagsabihan daw ng hari si Pangulong Duterte na mag-behave. Kitang-kita naman dito na iba po ‘yung nakasulat, ang pinag-uusapan dito ay five generation na cellphone, so obvious na obvious po na fake news talaga ‘yung pinalabas,” ani Andanar.

Binigyang-diin ng kalihim na mabigat ang parusa sa mga gumagamit sa pangalan ng hari sa Thailand dahil may katapat itong 15 taong pagkakulong.

“Alam n’yo pag gumawa po kayo ng fake news na ganyan, na ginagamit ‘yung pangalan ng hari dito sa Thailand ay puwede kayong makulong ng 15 taon dahil sa kanilang batas na kapag binastos mo ‘yung hari ay diretso kayo sa loob ng kulungan,” dagdag pa ni Andanar. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *