Duterte most powerful president – Sotto

Hindi pabor si Senate President Vicente `Tito’ Sotto III sa panukala sa Kamara na bigyan ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte para ireporma ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

The post Duterte most powerful president – Sotto first appeared on Abante.

duterte most powerful president sotto - Duterte most powerful president – Sotto
abante duterte 1 - Duterte most powerful president – Sotto

Hindi pabor si Senate President Vicente `Tito’ Sotto III sa panukala sa Kamara na bigyan ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte para ireporma ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ayon kay Sotto, kung tutuusin aniya’y maituturing na pinaka-powerful na Pangulo na si Duterte kaya’t hindi na nito kailangan pang magkaroon ng dagdag na kapangyarihan.

“Because as far as we are concerned, most of us in the Senate are concerned, we know that in this part of the globe, the President of the Philippines is the most powerful president,” pahayag ni Sotto sa panayam sa telebisyon.

“Mas powerful tayo kay Widodo at kung anu-ano ‘yong powers ng Presidente sa Pilipinas,” dagdag pa nito patungkol kay Indonesian President Joko Widodo.

Ginawa ni Sotto ang reaksyon kasunod ng pahayag ni House public accounts committee chairman at Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor na balak nilang bigyan ng emergency powers si Duterte para resolbahin ang korapsyon sa PhilHealth.

“Anything that they would want the President to do he can do now, even without the emergency powers, that is what we believe, so we would rather look at what their proposal is, anong klaseng emergency powers ang ibibigay pa, idadagdag mo, na hindi niya kayang gawin ngayon,” sabi pa ni Sotto. (Dindo Matining)

The post Duterte most powerful president – Sotto first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *