Duterte may napili nang kapalit ni Morales

Mayroon nang napipisil si Pangulong Rodrigo Duterte na kapalit ng nagbitiw na Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) president at chief executive officer Ricard Morales, ayon kay Senador Bong Go.

The post Duterte may napili nang kapalit ni Morales first appeared on Abante.

duterte may napili nang kapalit ni morales - Duterte may napili nang kapalit ni Morales
duterte 11 - Duterte may napili nang kapalit ni Morales

Mayroon nang napipisil si Pangulong Rodrigo Duterte na kapalit ng nagbitiw na Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) president at chief executive officer Ricard Morales, ayon kay Senador Bong Go.

Kasabay nito, sinabi ng senador na nagbitiw si Morales sa PhilHealth batay na rin sa payo sa kanya ni Pangulong Duterte.

“Nagkausap kami ni Pangulong Duterte kaninang madaling araw. Mayroon nang nasa radar niya, pinag-iisipan na niyang mabuti. He will decide by Monday kung kanya na pong pipiliin itong taong ito na papalit kay Gen. Morales. Kailangan na rin talagang magkaroon ng kapalit para tuloy-tuloy ang serbisyo ng PhilHealth. Hindi po ma-hamper o maantala ang serbisyo para sa tao,” sabi ni Go sa kanyang pahayag.

Walang binanggit na pangalan si Go sa inilabas na pahayag ng kanyang tanggapan nitong Sabado.

Gayunman, sa hiwalay na panayam sa radyo nitong Sabado ay nagbigay ito ng clue hinggil sa posibleng bagong mamumuno sa PhilHealth.

Ayon kay Go, sanay umano sa pag-iimbestiga ang taong ito at maaaring “silent worker” umano ang napupusuan ni Pangulong Duterte bilang kapalit ni Morales.

The post Duterte may napili nang kapalit ni Morales first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *