Duterte may banta sa mga nagpayaman sa iligal na droga

Duterte quota na sa mga campaign promise

HINDI bilib si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mayamang galing sa hindi tama ang kayamanan.

The post Duterte may banta sa mga nagpayaman sa iligal na droga appeared first on Abante News Online.

duterte may banta sa mga nagpayaman sa iligal na droga - Duterte may banta sa mga nagpayaman sa iligal na droga
duterte1 3 - Duterte may banta sa mga nagpayaman sa iligal na droga

May kalalagyan kayo!

HINDI bilib si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mayamang galing sa hindi tama ang kayamanan.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang pagbisita sa Bacolod City nitong Huwebes ng gabi, Abril 11 na galit siya sa mga taong yumaman sa pamamagitan ng dugo ng kapwa Pilipino.

Hindi lingid sa Pangulo ang ilang politikong yumaman ng husto dahil sa illegal na droga habang nalulubog sa bisyo ang mga ordinaryong Pilipino.

Kaya aniya nagbanta siya sa mga ito na huwag sirain ang bansa at mga Pilipino dahil tiyak na may kalalagyan ang mga ito.

“I told you when I became President, do not destroy my country with drugs and do not destroy the Pilipino. Kasi kayo yumaman, naligo kayo sa pera.

Ang p@#* ninyo, ginamit ninyo ang dugo ng akong mga kababayan.Galit ako sa mga yumaman ng dugo sa Pilipino,” anang Pangulo.

Nagbanta ang Presidente na kung ayaw tumigil at ayaw makinig ng mga ito ay walang problema dahil may namamatay naman araw-araw.

Tinukoy ng Pangulo ang pangalan ng ilang personalidad at mga dating opisyal na nasilaw aniya sa pera dahil sa illegal na droga tulad ng mag-asawang Odicta sa Iloilo, dating Ozamiz City mayor Reynaldo Parojinog at dating Albuera,Leyte Mayor Rolando Espinosa.

Patuloy namang nagtatago ang dating alkalde ng Iloilo City na si Jed Patrick Mabilog. (Aileen Taliping)

The post Duterte may banta sa mga nagpayaman sa iligal na droga appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *