Duterte mag-iingat sa pagpili ng susunod na PNP chief

IKUKUNSULTA ni Pangu­long Rodrigo Duterte sa kanyang mga gabinete at pinagtitiwalaang mga tao ang pagpili sa susunod na magiging hepe ng Phili­ppine National Police (PNP).

duterte mag iingat sa pagpili ng susunod na pnp chief - Duterte mag-iingat sa pagpili ng susunod na PNP chief
duterte 105 - Duterte mag-iingat sa pagpili ng susunod na PNP chief

Mga gabinete kokonsultahin

IKUKUNSULTA ni Pangu­long Rodrigo Duterte sa kanyang mga gabinete at pinagtitiwalaang mga tao ang pagpili sa susunod na magiging hepe ng Phili­ppine National Police (PNP).

Sa harap ito ng nakatakdang pagretiro sa serbisyo sa susunod na buwan ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde.

Sinabi ng Pangulo na wala pa siyang napipisil sa ngayon para ipalit sa babakantehing puwesto ni Albayalde.

Ikukunsulta aniya nito ang mapipiling next Chief PNP dahil ayaw nitong madapa at magkaroon ng problema.

“I have to consult everybody. Maya-maya madapa na naman ako tapos ako ang magkaroon ng problema,” anang Pangulo.

Matatandaang ang pagiging istrikto ni ­Albayalde ang dahilan kaya itinalaga ito ng Pangulo bilang Chief PNP, subalit nalalagay ngayon sa kontrobersya ang kredibilidad ng opisyal matapos iugnay sa operasyon ng mga ‘ninja cop’.
Pero sa kabila ng isyu ng mga ‘ninja cop’, sinabi ni Duterte na may tiwala pa rin siya sa liderato ni Albayalde.

Bilang abogado, sinabi ng Presidente na bigyan siya ng mga ebidensiyang sangkot sa operasyon ng mga ‘ninja cop’ si Albayalde.

“He is still there. Otherwise, I would have you know just –I would have told him to just go out. Wala pa naman eh. Just give me a proof kasi abugado ako eh,” dagdag pa ng Pangulo. (Aileen ­Taliping)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *