Duterte kumagat sa joint probe ng Recto Bank incident

TINANGGAP ni Pangulong Rodrigo Duterte ang alok ng Chinese government na magkaroon ng joint investigation para matukoy kung ano ang tunay na nangyari sa banggaan ng dalawang bangkang pangisda ng mga Pilipino at Chinese sa Recto Bank.

The post Duterte kumagat sa joint probe ng Recto Bank incident appeared first on Abante News Online.

duterte kumagat sa joint probe ng recto bank incident - Duterte kumagat sa joint probe ng Recto Bank incident
duterte 12 1 - Duterte kumagat sa joint probe ng Recto Bank incident

TINANGGAP ni Pangulong Rodrigo Duterte ang alok ng Chinese government na magkaroon ng joint investigation para matukoy kung ano ang tunay na nangyari sa banggaan ng dalawang bangkang pangisda ng mga Pilipino at Chinese sa Recto Bank.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nais ng Pangulo na magkaroon ng maayos na closure sa insidente.

Nais ng Pangulo na mabatid ang mga naging kaganapan na nagresulta sa pag-abandona sa 22 mangingisda sa gitna ng karagatan at para mapanagot ang mga responsable sa insidente.

“The Palace wishes to inform our people that President Rodrigo Duterte welcomes and accepts the offer of the Chinese Government to conduct a joint investigation to determine what really transpired in Recto Bank and find a satisfactory closure to this episode,” ani Panelo.

Sinabi ng kalihim na nais ng Pangulo na bumuo ng joint investigating committee na kakatawanin ng tatlong grupo mula sa Pilipinas, China at isang neutral na bansa.

Maaari aniyang pagdudahan at pagmulan ng espekulasyon at pagiging bias na resulta kapag ginawa ang hiwalay na imbestigasyon.

“A joint and impartial investigation will not only promote the expedient resolution of the issue, it will also be in accordance with international law, including the United Nations Convention on the Law of the Sea(UNCLOS), which places paramount emphasis on the use of peaceful means to resolve international disputes,” dagdag pa ni Panelo.

Kasabay nito nilinaw ng kalihim na hindi isinusuko ng gobyerno ang soberenya at lalong hindi ikinokompromiso ang karapatan ng 22 mangi­ngisda.
Iginiit ni Panelo na hustisya ang habol ng gobyerno para sa mga mangingisda kaya ginagawa ang lahat ng legal na paraan para makamit ito.

“To be clear, we are by no means relinquishing any inch of our sovereign rights, nor compromising the rights of our 22 fishermen. We are deman­ding justice for our countrymen, and we are using all legal means toward the end,” wika pa ni Panelo.

Nauna nang tinutulan nina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. at Senador Panfilo Lacson ang joint probe sa insidente sa Recto Bank noong Hunyo 9.

“Nabanggit na ito. One cannot be a judge on his own case. Hindi natin ini-indict dito ang buong bansang China kundi kung sino may kagagawan. Pero nakita nating reaction ‘di maayos thorough the foreign ministry spokesperson,” ani Lacson.

“Kaya sabi ko nga mas mag-agree ako sa pananaw ni Sec. Lacson, sa tingin ko ‘yan pinaka-rational. Parang meron siyang magandang dahilan kesa panukalang joint investigation, parang maghuhusga ang iniimbestigahan natin,” katuwiran pa ng senador. (Aileen Tali­ping)

The post Duterte kumagat sa joint probe ng Recto Bank incident appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *