Duterte ‘kinuryente’ sa PSG bakuna probe ng Senado

Nilinaw ni Senate President Vicente Sotto III na mali ang impormasyong ibinigay kay Pangulong Rodrigo Duterte na gigisahin ng Senado ang isyu sa hindi awtorisadong pagpapabakuna kontra COVID-19 ng mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG).

The post Duterte ‘kinuryente’ sa PSG bakuna probe ng Senado first appeared on Abante.

duterte kinuryente sa psg bakuna probe ng senado - Duterte ‘kinuryente’ sa PSG bakuna probe ng Senado
abante duterte 36 - Duterte ‘kinuryente’ sa PSG bakuna probe ng Senado

Nilinaw ni Senate President Vicente Sotto III na mali ang impormasyong ibinigay kay Pangulong Rodrigo Duterte na gigisahin ng Senado ang isyu sa hindi awtorisadong pagpapabakuna kontra COVID-19 ng mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG).

“Nakakalungkot o nakakabahala na may nakapaligid sa Presidente na mali ang impormasyon na ibinigay sa kanya. Wala kaming planong gawin ‘yun. Kung may isa o dalawang senador na nagsabi nun, hindi po buong Senado ‘yun, hindi puwedeng ang salita ng isang senador ay posisyon ng buong Senado,” sambit ni Sotto sa panayam sa radio kahapon.

Binigyang-diin ng Senate President na ang pangunahing tatalakayin sa gagawin nilang pagdinig ay ang roadmap para sa COVID-19 vaccination program dahil nais makita ng Senado kung saan gagastusin ang inilaang P72.5 bilyon sa budget para sa bakuna.

“Ang issue ano ang roadmap, gusto makita ng Senado saan gagastusin ang P72.5B na inilagay namin sa budget para sa vaccine. Paano bibili? Paano distribution? Sino gagamitan? Ano efficacy?” aniya.

Una nang sinabi ni Sotto na maaari namang talakayin ang isyu ng pagpapabakuna ng mga miyembro ng PSG sa ibang komite ng Senado. (Issa Santiago)

The post Duterte ‘kinuryente’ sa PSG bakuna probe ng Senado first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *