Duterte kinulit ni Greco na ilantad 9 cong

Sinisi ni ACT- CIS Representative Eric Yap si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) commissioner Greco Belgica na responsable sa paglalantad ng mga pangalan ng mga kongresistang idinadawit sa korapsyon sa mga proyekto sa ilalim ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

The post Duterte kinulit ni Greco na ilantad 9 cong first appeared on Abante.

duterte kinulit ni greco na ilantad 9 cong - Duterte kinulit ni Greco na ilantad 9 cong
Duterte x Greco - Duterte kinulit ni Greco na ilantad 9 cong

Sinisi ni ACT- CIS Representative Eric Yap si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) commissioner Greco Belgica na responsable sa paglalantad ng mga pangalan ng mga kongresistang idinadawit sa korapsyon sa mga proyekto sa ilalim ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay Yap, isa sa idinawit ni Belgica sa report ito ang umano’y nangulit at nagsulsol kay Pangulong Rodrigo Duterte para isapubliko ang pangalan ng mga kongresistang dawit sa katiwalian.

Paglilinaw na Yap, mismong ang Pangulo naman ang nagsabi na walang ‘hard ‘evidence laban sa mga idinawit ngunit kailangan niya umanong banggitin at isapubliko dahil na rin sa clamor ng taumbayan.

Bukod dito ay nangungulit rin umano si Belgica para isapubliko ito.

“Sabi naman ng Pangulo no hard evidence. Sinabi rin naman niya sa amin ito na kailangan niyang banggitin dahil may clamor ang tao na ilabas ang pangalan at ito daw si Greco ay kulit nang kulit,” pagsiwalat ni Yap.

Dagdag pa ni Yap, “So naiintindihan ko ho ang Presidente and it only shows na ang Presidente walang pinipili—maging kaibigan ng anak niya, kaibigan ng pamilya niya. Basta nasa listahan na ito, binasa niya.”

Unang dumipensa si Yap sa pagkadawit ng kanya sa katiwalian.

Tinawag ni Yap ang naturang report ni Belgica na isang diversionary o pamatay sunog upang pagtakpan umano nito ang kinakaharap nitong kasong graft na may kinalaman sa Duty Free issue.

Matatandaang siyam na kongresista ng pinagalanan ni Duterte na sangkot sa pagtangap ng kickback sa mga DPWH project na kinabibilangan nina Occidental Mindoro Cong. Josephine Ramirez-Sato; dating Ifugao Cong. Teodoro Baguilat Jr.; QC Cong. Alfred Vargas; Misamis Occidental Cong. Henry Oaminal; Isabela Cong Alyssa Sheena Tan; Cong Paul Daza ng Northern Samar; Quezon Cong Angelina Helen Tan; ACT-CIS Rep Yap at Bataan Rep .Geraldine Roman.

Kasama rin sa pinangalanan ang umano’y mga kasabwat sa anomalyang District Engineer na sina Lorna Ricardo, Marlyn Inguillo, Anna Lee Manzano, Carol Lyn Abinales, Editha Babaran , Edmundo De Luna at Josefino Melgar. (Eralyn Prado)

The post Duterte kinulit ni Greco na ilantad 9 cong first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *