Duterte kay Trump: VFA palit bakuna

Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyang ibabasura ang Visiting Forces Agreement (VFA) kapag nabigo ang Estados Unidos na pagkalooban ng 20 milyong coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine doses ang Pilipinas.

The post Duterte kay Trump: VFA palit bakuna first appeared on Abante.

duterte kay trump vfa palit bakuna - Duterte kay Trump: VFA palit bakuna
abante duterte 8 1 - Duterte kay Trump: VFA palit bakuna

Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyang ibabasura ang Visiting Forces Agreement (VFA) kapag nabigo ang Estados Unidos na pagkalooban ng 20 milyong coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine doses ang Pilipinas.

Sa live briefing nitong Sabado ay sinabi ni Duterte na kung talagang gustong tumulong ng US ay itigil na ang pagdakdak at sa halip ay ideliber na ang bakuna sa Pilipinas.

“Ang kanila lang kasi kay, ‘yung Visiting Forces Agreement matatapos na. Ngayon, pag hindi ako pumayag, aalis talaga sila. Kung hindi sila maka-deliver ng maski na lang a minimum of mga 20 million vaccines, they better get out,” babala ni Duterte.

“No vaccine, no stay here,” dagdag ng Pangulo.

Pinayuhan din ni Duterte ang publiko na huwag maniwala sa US na makakapagbigay agad ng bakuna kontra COVID.

“Hindi nga niya ma-deliver sa kaniyang lugar, dito pa. Itong amerikano talaga. Maniwala kayo. I’ve been in government, dealt with them many times. That’s hwy naging cynic ako sa kanila kasi wala pa… eh, kung ibigay edi ibigay, wala naman,” sabi pa ng Pangulo.

Si US President Donald Trump pa ang nakaupong Pangulo pero natalo ito sa katatapos na eleksyon ni Joe Biden na nakatakdang maluklok sa puwesto sa Enero 20, 2021.

The post Duterte kay Trump: VFA palit bakuna first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *