Duterte kay Sara: ‘Wag mag-presidente, sakripisyo ‘yan

Duterte sinalba si Sara: Honesty ‘wag gawing isyu

PINAGSABIHAN nang maaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Davao City Mayor Sara Duterte na huwag ambisyuning sumunod sa kanya sa pagka-presidente.

The post Duterte kay Sara: ‘Wag mag-presidente, sakripisyo ‘yan appeared first on Abante News Online.

duterte kay sara wag mag presidente sakripisyo yan - Duterte kay Sara: ‘Wag mag-presidente, sakripisyo ‘yan
duterte 41 - Duterte kay Sara: ‘Wag mag-presidente, sakripisyo ‘yan

PINAGSABIHAN nang maaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Davao City Mayor Sara Duterte na huwag ambisyuning sumunod sa kanya sa pagka-presidente.

Sa kanyang talum­pati sa campaign rally ng PDP-Laban sa Batangas City, binanggit ng Pangulo na sinabihan niya ang panganay na anak na maraming sakripisyo ang pagiging presidente bukod pa sa mababang sahod, pati na ang matatanggap na mga pang-iinsulto.

Wala aniyang makukuha si Mayor Sara kapag nag-presidente dahil kahit naglilingkod sa bansa ay tiyak ang mga aabuting insulto lalo na sa mga kritiko.

“My daughter is not running for president. I told her, “wala kang…sakripisyo ka lang diyan. Kaliit ng suweldo p*****i** tapos gano’n ang sakripisyo. Wala kang tulog gabi-gabi,” anang Pangulo.
Sinabi pa ng Presidente sa anak na alkalde na wala itong makukuha kapag nag-presidente dahil marami ang mga nagmamagaling at ang iba ay pera-pera lang.

“Kaya sabi ko kay Inday, ‘huwag kang tumakbo. Anong makiga mo?’ You serve the nation tapos kung mag-insulto itong mga p*****i**, mga pera-pera lang,” dagdag pa ng Pangulo.

Sinabi pa ni Pangulong Duterte na sumasakit na rin ang kanyang kamay sa kapipirma ng libo-libong dokumento, 6,000 dito ay mga appointment.

“Alam mo ang pirmahan ko pa, there are 10,000 signatures. Sa appointment lang, 6,000 kaya ang kamay ko man nanigas sa ganon. Hindi na makahawak ng kutsara,” wika pa ng Pangulo.

Naunang inihayag ni Mayor Sara na wala sa kanyang plano ang tumakbo sa pagka-pa­ngulo at sinabihan na aniya siya ng kanyang ama ng kanyang pagtutol na sumunod sa kanyang yapak, lalo na ang ambisyong ma­ging presidente. (Aileen Taliping)

The post Duterte kay Sara: ‘Wag mag-presidente, sakripisyo ‘yan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *