Duterte kay Leni: Ikaw na!

HINAMON ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice-President Leni Robredo na ipakita ang kakayahang lutasin ang problema sa iligal na droga sa loob ng anim na buwan.

duterte kay leni ikaw na - Duterte kay Leni: Ikaw na!
duterte x leni - Duterte kay Leni: Ikaw na!

HINAMON ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice-President Leni Robredo na ipakita ang kakayahang lutasin ang problema sa iligal na droga sa loob ng anim na buwan.

Sa kanyang talumpati sa oath taking ng mga bagong opisyal ng gobyerno sa Malacañang, hindi itinago ng Pangulo ang pagkainis kay Robredo dahil sa pag-iingay nito at pagkuwestiyon sa anti-drug war ng pamahalaan, kaya’t hinamon na ipa­kita ang galing nito para lutasin ang problema sa illegal na droga.

Ayon sa Pangulo, ibibigay niya kay Robredo ang kapangyarihan sa pagsugpo sa iligal na droga para makita at masubukan kung gaano ito kagaling sa paglutas sa problema.

“Kagaya ni Robredo, sige lang siya ng human rights, human rights. As a matter of fact, I’m sendin­g a letter to her through Secretary Medial­dea . I will surrender my powers to enforce the law. Ibigay ko sa Vice President.

Ibigay ko sa kanya ng six months. Siya ang magdala tingnan natin kung ano ang mangyari. Hindi ako makikialam sige gusto mo, mas bright ka, sige ikaw, subukan mo!” anang Pangulo.

Matatandaang pinatitigil ni Robredo ang anti-drug campaign ng gobyerno dahil hindi naman aniya tagumpay ito dahil marami pa rin ang nakakalusot na iligal na droga.

Nilinaw naman ng Bise Presidente nitong Linggo na mali ang headline ng Reuters dahil ang pinatitigil lamang niya ay ang maling paraan at hindi ang mismong drug war ng gobyerno.

Sa ambush interview, sinabi ni Pangulong Duterte na kung gusto ni VP Leni ay gagawin niya itong drug czar at maaari niya itong tawagan nitong Lunes nang gabi para makapagsimula agad sa bagong trabaho.

Pero nilinaw ng Presidente na wala siyang isinusukong kapangyarihan kundi ibibigay lang niya kay VP Leni ang trabaho dahil ito naman aniya ang maraming reklamo sa mga ginagawa ng gobyerno.

“I do not surrender anything, I said if she wants, I can commission her to be the drug czar. Marami siyang reklamo doon sa labas, oh sige, sabi niya you have to redirect your… o whatever… paran… ngayon mas marunong ka man sa akin, I’ll hand in to you full powers sa drugs. I’ll give you six months tingnan natin kung kaya mo.

Sinabi ko sa kanya I’m ready to concede to you powers that could cover all anti-drug activities by the government. Sabihin niya at siya ang pa-anohin ko. I’ll give her the clean slate para malaman niya kung gaano kadali mag-kontrol ng droga,” dagdag pa ng Presidente. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *