Duterte inutos balik operasyon ng turismo

Inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dahan-dahang pagbubukas ng operasyon ng turismo sa bansa batay sa ipinatutupad na mga safety protocol.

The post Duterte inutos balik operasyon ng turismo first appeared on Abante.

duterte inutos balik operasyon ng turismo - Duterte inutos balik operasyon ng turismo
abante duterte 9 - Duterte inutos balik operasyon ng turismo

Inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dahan-dahang pagbubukas ng operasyon ng turismo sa bansa batay sa ipinatutupad na mga safety protocol.

Sa kanyang nilabas na pahayag nitong Biyernes, sinabi ni Roque na magkakaroon ng koordinasyon ang Department of Tourism (DOT) at mga local government unit (LGU) hinggil sa pagbabalik ng operasyon ng turismo habang nagsisimula nang luwagan ang mga quarantine protocol laban sa COVID-19.

Inihalimbawa ni Roque ang Baguio City na itinakda aniya sa Setyembre ang re-opening target schedule nito para sa pagbubukas ng lungsod sa mga turista.

Nagpahayag na rin umano ng intensyon ang Pangasinan, La Union, Ilocos Sur, at Ilocos Norte na buksan ang kanilang mga probinsya sa mga turista simula sa Setyembre 21.

Binigyang-diin ni Roque na kailangan ang maayos at masusing koordinasyon sa pagitan ng national at mga local government para matiyak ang pagsunod sa health at safety protocol para sa mga turista. (Prince Golez)

The post Duterte inutos balik operasyon ng turismo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *