Duterte hindi magso-sorry kay VP Leni

Walang dahilan para humingi ng “sorry” si Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo matapos itong banatan dahil sa paniwalang sa kampo nito nagsimula ang #NasaanAngPangulo noong kasagsagan ng bagyong Ulysses.

The post Duterte hindi magso-sorry kay VP Leni first appeared on Abante.

duterte hindi magso sorry kay vp leni - Duterte hindi magso-sorry kay VP Leni
duts 3 - Duterte hindi magso-sorry kay VP Leni

Walang dahilan para humingi ng “sorry” si Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo matapos itong banatan dahil sa paniwalang sa kampo nito nagsimula ang #NasaanAngPangulo noong kasagsagan ng bagyong Ulysses.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na may basehan ang pinanggalingan ng pagkainis ng Pangulo dahil sa mga post din aniya ng Pangalawang Pangulo sa social media na tila ipinapamukha sa taumbayan na siya ang nagpapakilos sa mga asset ng gobyerno noong kasagsagan ng bagyo.

“Maiintindihan natin kung bakit ganoon ang konteksto ng mga salita ng Presidente. Nanggaling sa kampo ng oposisyon ang #NasaanSiPresidente, iyong mga tweet ni Vice President na parang siya ang in charge, at siyempre iyong tweets din ng kanyang malalapit sa buhay,” ani Roque.

Binasa ng kalihim sa kanyang regular press briefing ang sagutan ng tweets ng mga anak ni VP Robredo na sina Tricia at Aika na nagtatanong kung “gising na ba”, at sagot na “Sabado eh, weekend” na ang pinatutungkulan ay ang Presidente.

Binigyang-diin ng tagapagsalita ng Pangulo na walang binanggit ang Presidente na sumakay sa C-130 si VP Robredo at pinapalabas na siya ang nagdala ng relief goods dahil nanggaling ito kina Defense Secretary Delfin Lorenzana at Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo, at humingi na aniya ang mga ito ng paumanhin.

Hindi ang Presidente aniya ang nagsabi nito kaya walang dapat na ihingi ng paumanhin.

“Humingi na ng abiso ang mga nagsabi noon — si Secretary Lorenzana at Secretary Panelo. Sila ang nagkamali at hindi po ang Presidente. Bakit naman hihingi ng abiso ang Presidente na wala naman siyang pagkakamali?,” dagdag ni Roque. (Aileen Taliping)

The post Duterte hindi magso-sorry kay VP Leni first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *