Duterte halloween mask panakot sa mga kriminal

HINDI ikinagalit ng Malacañang ang paglabas ng halloween mask na kamukha ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibinebenta sa online ng $32.99.

duterte halloween mask panakot sa mga kriminal - Duterte halloween mask panakot sa mga kriminal
Duterte 2 - Duterte halloween mask panakot sa mga kriminal

HINDI ikinagalit ng Malacañang ang paglabas ng halloween mask na kamukha ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibinebenta sa online ng $32.99.

Mistula pang ikinatuwa ng Palasyo ang paglabas ng halloween mask na kamukha ng Pangulo kung saan tinawag itong “amusing” ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Ayon sa tagapagsalita ng Palasyo, nangangahulugan lamang ito na mayroong “K” o karapatan si Pangulong Duterte kaya kahit sa internet ay napapansin ito at pinagkakakitaan.

Pero nilinaw ni Panelo na ang tinatakot lang ng Pangulo ay mga kriminal.
Sinabi pa ng kalihim na kapag napapansin ang ginagawa ng isang tao ay napupuri ito o nababatikos pero kung walang silbi ay hindi papansinin.

“Amusing. That means he has a right. Talagang tinatakot ‘yung mga criminal. Hindi ba ganyan naman ang tingin, kapag ikaw daw ay nagiging topic sa mga ginagawa mo, either niloloko ka or pinupuri ka, ibig sabihin you have a right. Otherwise hindi ka papansinin,” ani Panelo.

Ang paglabas ng Duterte-inspired adult latex mask sa amazon.com ay itinaon sa panahon ng Todos Los Santos kung saan kabi-kabila ang dumadalo sa halloween party. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *