Duterte hahatulan bawas distancing

DAHIL sabog-sabog sa usapin sa bawas distancing nasa kamay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdedesisyon sa implementasyon ng polisiya na bawasan ang distansya sa pagitan ng mga pasahero sa public utility vehicles (PUV).

The post Duterte hahatulan bawas distancing first appeared on Abante.

duterte hahatulan bawas distancing - Duterte hahatulan bawas distancing
Duterte 5 - Duterte hahatulan bawas distancing

DAHIL sabog-sabog sa usapin sa bawas distancing nasa kamay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdedesisyon sa implementasyon ng polisiya na bawasan ang distansya sa pagitan ng mga pasahero sa public utility vehicles (PUV).

“I think the President will decide no later than tomorrow,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque sa CNN-Philippines.

“Until the President revokes it, I think it will be implemented,” aniya pa.

Sabi pa ni Roque, may nabuong rekomendasyon ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) kay Duterte matapos ang 6-oras na diskusyon noong Martes.

Gayunman ay nanindigan sina Interior Secretary Eduardo Año at Health Secretary Francisco Duque III na dapat isang metro ang social distancing sa mass transport laban sa nakahahawang sakit na COVID-19.

Samantala, nakasaad sa 69th IATF Minutes of the Meeting na sinuportahan nina Trade Secretary Ramon Lopez, Acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua, at Social Welfare Secretary Rolando Joselito Delizo Bautista ang proposal ng Department of Transportation na bawasan ang distansya sa pagitan ng mga pasahero sa mass transport kada 2 linggo, mula sa .75 metro ngayong linggo.

Ang polisiya ay may hangarin na paramihin ang rider capacity ng mass transport habang may anti-COVID-19 quarantine.(Riley Cea)

The post Duterte hahatulan bawas distancing first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *