Duterte hahabulin nambukol sa mga jeepney driver

Pinaimbestigahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang reklamo ng mga pampublikong tsuper na hindi nakatanggap ng ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP).

duterte hahabulin nambukol sa mga jeepney driver - Duterte hahabulin nambukol sa mga jeepney driver
abante duterte 4 - Duterte hahabulin nambukol sa mga jeepney driver

Pinaimbestigahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang reklamo ng mga pampublikong tsuper na hindi nakatanggap ng ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP).

Interesado ang Pangulo na malaman kung bakit hindi isinama ang mga tsuper ng pampasaherong jeep sa binigyan ng ayuda mula sa P200 bilyong Bayanihan fund para sa mga pinakamahihirap sa lipunan na naapektuhan ng COVID crisis.

Sa kanyang State of the Nation Address, sinabi ng Pangulo na kasama ang public utility drivers sa mga binigyan ng ayuda mula sa Pantawid Pasada Program.

Gayunman, may nakarating na impormasyon sa Presidente na may mga hindi nakatanggap na tsuper sa tulong pinansiyal na ipinamahagi ng gobyerno.

“There are complaints that some drivers did not receive any assistance at all. I have directed the DSWD and DILG to look into this,” anang Pangulo.

Kasama ang ilang transport groups sa mga sumali sa rally nitong Lunes sa Quezon City bilang protesta sa hindi pagpayag sa kanila ng gobyerno na muling makapamasada gamit ang kanilang mga pampasaherong jeeps.(Aileen Taliping)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *