Duterte, Go nakiramay sa nagpakamatay ng UP student

PERSONAL na nakiramay sina Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Bong Go sa pamilya ng estudyante ng University of the Philippines (UP) na nagpakamatay dahil sa isyu ng hazing.

duterte go nakiramay sa nagpakamatay ng up student - Duterte, Go nakiramay sa nagpakamatay ng UP student
bong go x duterte - Duterte, Go nakiramay sa nagpakamatay ng UP student

PERSONAL na nakiramay sina Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Bong Go sa pamilya ng estudyante ng University of the Philippines (UP) na nagpakamatay dahil sa isyu ng hazing.

Batay sa mga larawang inilabas ni Sen. Go, ipinaabot nila nang personal ang pakikiramay sa pamilya ng biktima.

Bagama’t hindi isinapubliko ang identity ng estud­yanteng nagpakamatay, anak umano ito ng isang undersecretary ng isang kagawaran ng gobyerno at lola niya ang may hawak sa isang government owned and controlled corporation.

Sinabi ni Senator Go na nakiramay lamang sila ng Pangulo sa pamilya at walang nabanggit kung may ibibigay na tulong sa mga ito.

Matatandaang nitong weekend ay napaulat ang pagpapakamatay ng estud­yante matapos na hindi umano makayanan ang pamba-bash sa kanya sa social media dahil sa nabunyag ang mga hazing activity ng fraternity na kinabilangan nito. (Aileen Taliping)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *