Duterte dinipensahan sa pagtrabaho sa bahay

NILINAW ng Malacañang na malusog at walang iniindang sakit si Pangulong Rodrigo Duterte.

The post Duterte dinipensahan sa pagtrabaho sa bahay appeared first on Abante News Online.

duterte dinipensahan sa pagtrabaho sa bahay - Duterte dinipensahan sa pagtrabaho sa bahay
duts 15 - Duterte dinipensahan sa pagtrabaho sa bahay

NILINAW ng Malacañang na malusog at walang iniindang sakit si Pangulong Rodrigo Duterte.

Inihayag ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos hindi nakita ng publiko ang Presidente sa nakalipas na buong linggo.

Sinabi ni Panelo na nagtrabaho ang Pangulo sa kanyang taha­nan sa Davao City dahil tambak ang mga dokumentong dapat nitong pirmahan at basahin.

Hindi aniya kailangang may sakit para magtrabaho sa bahay, patunay aniya dito ang batas na pinapayagan na rin ang mga empleyado na magtrabaho sa bahay.

“You don’t have to be suffering from any ailment for you to work in the house. In fact, mayroon na nga tayong batas na pinapayagan na natin ang empleyado na magtrabaho sa bahay, di ba?,” ani Panelo.

Binigyang-diin ng kalihim na maayos ang kalusugan ng Pangulo dahil kung may sakit ito ay hindi sana nito magawa ang nakakapagod na schedule gaya ng sunod-sunod na aktibidad, mga pribadong pulong at pagtanggap ng mga bisitang nagko-courtesy call sa kanya. “He is in good health, otherwise he cannot be taking that kind of punishing schedule.

Madalas ang kanyang speaking engagement, sunod-sunod. Aside from that marami siyang courtesy calls and private meetings. Talagang masipag, hindi mo talaga mapigilan, ganon talaga ang nature nya,” dagdag ni Panelo.

Dahil hindi nakita si Pangulong Duterte noong nakalipas na linggo ay muling umikot ang hinala at haka-haka tungkol sa kanyang isyung pangkalusugan. ­(Aileen Taliping)

The post Duterte dinipensahan sa pagtrabaho sa bahay appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *