Duterte ‘di sasabit sa pagpirma sa 2019 budget

HINDI impeachable offense kung pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proposed General Appropriations Act 2019.

The post Duterte ‘di sasabit sa pagpirma sa 2019 budget appeared first on Abante News Online.

duterte di sasabit sa pagpirma sa 2019 budget - Duterte ‘di sasabit sa pagpirma sa 2019 budget
duts 1 - Duterte ‘di sasabit sa pagpirma sa 2019 budget

HINDI impeachable offense kung pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proposed General Appropriations Act 2019.

Ito ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon ay kahit hindi i-veto ng Pangulo ang mga probisyong kinukuwestiyon ng Senado hinggil sa realignment ng Kamara matapos ang ratipikasyon ng bicam committee report.

Ipinaliwanag ni Drilon na ang line item veto power ng Pangulo ay ekslusibo at prerogative nito kung ito ay kanyang gagamitin.

Gayunman, sinabi ng senador na walang ibang opsyon ang Punong Ehekutibo kung hindi i-veto ang kinukuwestiyon nilang probisyon partikular ang P75B na ni-realign ng Kamara kahit tapos na ang ratipikasyon ng bicam report.

Pinasaringan din ni Drilon si House Appropriations Committee Chairperson Rolando Andaya hinggil sa pahayag nitong posibleng papanagutin ang Senado sa pananabotahe sa mga programa ng gobyerno dahil sa pangho-hostage sa budget.

“That’s an insult to the administration. Does Cong. Andaya mean that Build Build Build is based on pork barrel? That the Build Build Build can’t be implemented without pork barrel?” saad ni Drilon. (Dang ­Samson-Garcia)

The post Duterte ‘di sasabit sa pagpirma sa 2019 budget appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *