Duterte cabinet umukit ng record sa rating

BUKOD kay Pangulong Rodrigo Duterte, nakakuha rin ng “record-high” net satisfaction rating ang kanyang Gabinete, ayon sa survey ng Social Weather Station (SWS).

The post Duterte cabinet umukit ng record sa rating appeared first on Abante News Online.

duterte cabinet umukit ng record sa rating - Duterte cabinet umukit ng record sa rating
duterte 2 4 - Duterte cabinet umukit ng record sa rating

BUKOD kay Pangulong Rodrigo Duterte, nakakuha rin ng “record-high” net satisfaction rating ang kanyang Gabinete, ayon sa survey ng Social Weather Station (SWS).

Sa second quarter 2019 SWS survey na isinagawa noong June 22-26, ang net satisfaction rating ng gabinete ay sumipa sa +51 nitong Hunyo kumpara sa +44 noong Marso.

Ang pagtaas ng net sa­tisfaction rating ay bunga ng pag-angat ng 12 puntos sa Mindanao, 11 puntos sa Metro Manila, 5 puntos sa Visayas at 4 puntos sa Balance Luzon.

Malaki ang itinaas ng ra­ting ng Gabinete sa mga urban area.

Noong Hulyo 8, nilabas din ng SWS ang survey kung saan umakyat sa +68 ang net satisfaction rating ni Pa­ngulong Duterte mula sa +66 noong Marso 2019.

Samantala, lumabas din sa survey na bumaba ang net satisfaction rating ni Vice President Leni Robredo sa +28 nitong Hunyo mula sa +42 noong Marso.
Bahagya namang bumaba ang net satisfaction rating ni Senate President Vicente Sotto III sa +60 mula sa dating +61.

Pero ang kabuuan ng Senado, bahagyang umakyat sa +63 mula sa dating +62.
Bumaba naman ang ra­ting ni Chief Justice Lucas Bersamin sa +13 mula sa +14 noong Marso, habang ang buong Supreme Court ay umakyat sa +54 mula sa dating +50.

Tanging si dating House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang nakakuha ng negatibong satisfaction rating sa -17. (PNA)

The post Duterte cabinet umukit ng record sa rating appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *