Duterte buo ang tiwala kay Duque

dengavaxia

NANANATILI ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Health Secretary Francisco Duque sa kabila ng isyung ipinupukol sa kanya kaugnay sa mga transaksyon sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

duterte buo ang tiwala kay duque - Duterte buo ang tiwala kay Duque
Francisco Duque III  - Duterte buo ang tiwala kay Duque

NANANATILI ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Health Secretary Francisco Duque sa kabila ng isyung ipinupukol sa kanya kaugnay sa mga transaksyon sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na sinagot na ni Duque ang mga bintang laban sa kanya, partikular ang isyu ng conflict of interest at nakahanda naman aniya itong humarap sa anomang imbestigasyon.

“He has already responded to that; as far as he is concerned, there is no conflict of interest. The previous contract mentioned was made prior to his being Secretary of Health,” ani Panelo.

Nilinaw din ni Panelo na standard operations procedure sa sinomang miyembro ng gabinete o opisyal ng gobyerno na may alingasngas ng iregularidad o conflict of interest sa posisyon na imbestigahan ng Office of the President.

Ayon sa Kalihim, ipinatawag si Duque ni Executive Secretary Salvador Medialdea subalit hindi ito dahil sa bintang sa kanya kundi para pag-usapan ang mga isyu at problema sa PhilHealth.

Si Duque ay ex-officio chairman ng PhilHealth, at inakusahan ng conflict of interest dahil may kinalaman sa kompanya ng pamilya nito.

“As far as I know the President still trusts the Secretary of Health Duque,” saad ni Panelo.

Handa naman si Senador Bong Go, chairman ng Senate committee on health na imbestigahan si Duque bunsod ng mga anomalya umano sa PhilHealth.

“Managot ang dapat managot kahit na magkasama tayo sa gobyerno at magkaibigan tayo. Kung ano lang po ang tama. ‘Yan po ang pinagbibilin parati sa akin ni Pangulo noon. Do what is right,” ani Go.

Gayunpaman, sinabi ng senador na wala siyang dahilan para husgahan agad si Secretary Duque.

“I’m willing to investigate kung talagang mayroong katotohanan na mayroong conflict of interest, subalit I still trust Secretary Duque, until it’s proven sufficiently na mayroon talagang ebidensiya against him,” ayon kay Go, chairman ng Senate committee on health. (Aileen Taliping/Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *