Duterte bumisita sa mga sugatang sundalo sa Jolo

PERSONAL na binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Jolo, Sulu ang mga nasugatang sundalo na nakipagbakbakan sa mga bandidong Abu Sayyaf.

The post Duterte bumisita sa mga sugatang sundalo sa Jolo appeared first on Abante News Online.

duterte bumisita sa mga sugatang sundalo sa jolo - Duterte bumisita sa mga sugatang sundalo sa Jolo
duterte 65 - Duterte bumisita sa mga sugatang sundalo sa Jolo

PERSONAL na binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Jolo, Sulu ang mga nasugatang sundalo na nakipagbakbakan sa mga bandidong Abu Sayyaf.

Pinarangalan ng Pangulo ang 11 suga­tang sundalo ng Order of Lapu Lapu na may ranggong Kampilan sa Camp General Teodulfo Bautista sa Sulu noong Martes nang hapon.

Ang Order of Lapu Lapu ay ibinibigay sa mga indibidwal, sibil­yan man o nasa gobyerno na nagpakita ng hindi matawarang serbisyo o kontribusyon sa ikatatagumpay ng adbokasiya ng Presidente.

Ang ranggong Kampilan ay ibinibigay sa mga indibidwal na nasugatan o nagkaroon ng matinding pinsala bilang resulta ng isang aksyon o aktibidad.

Ang mga pinarangalang sundalo ay nakasagupa ng mga bandidong Abu Sayyaf noong May 31 sa Barangay Pansul, Patikul, Sulu.

Ginawaran naman ng Gold Cross Medal ang pitong opisyal ng militar sa kampo na kinilalang sina Lt.Col.Abdulmoel Alamaia; Lt.Col. Ronaldo Amteo; 1st Lt. Romel Pacer; 1st Lt. Geronimo Vergara, Cpl. Ariel Sanchez; Cpl. Engelbert Tanian at Cpl. Reylan Busmeon.

Sa kanyang talum­pati, sinabi ni Pangulong Duterte sa mga sundalo na ang pagpunta niya sa Sulu ay para kilalanin ang ipinakitang katapa­ngan ng mga ito, at itaas ang kanilang morale kasabay ang pagtiyak ng patuloy na suporta sa kanilang hanay.

“Sa panahon na kailangan ninyo ang inyong Commander-in-Chief to be with you, beside you, and to die with you, nandito ako sa mga panahon na ‘yan,” anang Pangulo.

Kasabay nito, na­ngako ang Presidente na ibibigay na ang hazard pay ng mga sundalo para sa nakalipas na ilang buwan. (Aileen Tali­ping/Prince Golez)

The post Duterte bumisita sa mga sugatang sundalo sa Jolo appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *