Duterte binisita ng Communist Party of China

BINISITA ng mga miyembro ng Communist Party of China (CPC) si Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang nitong Lunes .

duterte binisita ng communist party of china - Duterte binisita ng Communist Party of China
duterte 105 - Duterte binisita ng Communist Party of China

BINISITA ng mga miyembro ng Communist Party of China (CPC) si Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang nitong Lunes .

Batay sa inilabas na mga larawan ng Palasyo, ang pagbisita sa Pangulo ay pinangunahan ni Party Chief Chen Min’er at ilan miyembro ng partido bilang courtesy call.

Si Chen ang sinasabing protégé ni Chinese President Xi Jinping at isa sa mga sumisikat na politiko sa China.

Mainit na tinanggap ng Pangulo sa Malacañang ang delegasyon ng CPC kasama ang ilang miyembro ng gabinete at administration senators.

Sa ginanap na courtesy call ng Chinese officials, ipinaliwanag ni Pangulong Duterte na walang kinalaman ang gobyerno sa kasong isinampa kay President Xi sa International Criminal Court. (Aileen Taliping)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *