Duterte bilib kay Puyat sa DOT

BILIB at patuloy na nagtitiwala si Pangulong Rodrigo Duterte sa kakayahan ni Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat.

duterte bilib kay puyat sa dot - Duterte bilib kay Puyat sa DOT
ABANTE Bernadette Romulo Puyat - Duterte bilib kay Puyat sa DOT

BILIB at patuloy na nagtitiwala si Pangulong Rodrigo Duterte sa kakayahan ni Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat.

Ito ang inihayag ng Malacañang taliwas sa naging pahayag ni Davao City Rep. Paolo Duterte na hindi maa­yos ang pamamalakad ni Puyat sa Department of Tourism (DOT) at kuwestiyonable umano ang ilang inaprubahang kontrata sa ilalim ng kanyang ahesiya.

Sinabi ni Secretary to the Cabinet Karlo Alexei Nograles na kinikilala ng gabinete ang mahusay na performance ni Puyat dahil dumami aniya ang tu­rista sa bansa at walang reklamo ang mga stakeholders ng tourism industry sa kalihim.

Wala naman aniyang reklamo ang Presidente sa trabaho ni Puyat dahil mabilis umaksiyon at maganda ang mga programang ipinatupad sa sektor ng turismo.

“All praises, very warm. He (Duterte) is happy with the work of Sec. Berna so far,” ani Nograles.

Kung mayroon aniyang isyu kay Puyat ay tiyak na pag-uusapan ito sa susunod na Cabinet meeting .

Iginiit ni Nograles na hangga’t kuntento, may tiwala at kumpiyansa ang Pangulo kay Puyat ay mananatili ito sa kaniyang trabaho.

Ayon pa kay Nograles, lahat naman sila sa gabinete ay nagtatrabaho sa ilalim ng tiwala at kumpiyansa ni Pangulong Duterte. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *