Duterte: ASEAN makakabawi sa pandemya

Malaki ang paniniwala ni Pangulong Rodrigo Duterte na makakabawi ang sampung bansang miyembro Association of Southeast Asian Nation (Asean) sa kabila ng epekto ng dinaranas na COVID19 pandemic.

duterte asean makakabawi sa pandemya - Duterte: ASEAN makakabawi sa pandemya
duterte 9 - Duterte: ASEAN makakabawi sa pandemya

Malaki ang paniniwala ni Pangulong Rodrigo Duterte na makakabawi ang sampung bansang miyembro Association of Southeast Asian Nation (Asean) sa kabila ng epekto ng dinaranas na COVID19 pandemic.

Sa mensahe ni Duterte sa ika 53rd founding anniversary ng ASEAN, 1967 nagsimula ang ASEAN sa limang miyembro kasama ang Pilipinas,pero makalipas ang limang dekada ay naging sampu at nakalinya sa ikalimang pinakamalakas na ekonomiya sa mundo.

“Bouncing back from the pandemic appears to be a daunting task. But if pursued with friends,the burden is shared and transformed into an opportunity to create a more resilient Southeast Asian Region,”ayon kay Duterte.

Sinabi ni Duterte na dahil sa ipinakitang partnership ng ASEAN at mutual aid ay malalampasan ang COVID9 pandemic .

“With a deeper sense of common purpose, we will continue to work together as one ASEA and strengthen partnerships with friends and outside the region,” dagdag pa ni Duterte.

Ito ay sa kabila na mayroong 19.5 milyong katao ang nagpositibo sa virus at may 724,075 sa mundo ang nasawi, naniniwala si Diterte na makakaahon at muling susulong ang ekonomiya sa ASEAN.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *