Duterte aligaga sa ASEAN, pandemya, mga binaha

Pinayapa ni Presidential spokesman Harry Roque ang publiko kasunod ng matinding pagbaha na nararanasan ngayon sa region 2 partikular sa Cagayan.

The post Duterte aligaga sa ASEAN, pandemya, mga binaha first appeared on Abante.

duterte aligaga sa asean pandemya mga binaha - Duterte aligaga sa ASEAN, pandemya, mga binaha
abante duterte 19 - Duterte aligaga sa ASEAN, pandemya, mga binaha

Pinayapa ni Presidential spokesman Harry Roque ang publiko kasunod ng matinding pagbaha na nararanasan ngayon sa region 2 partikular sa Cagayan.

Sa press briefing kahapon sinabi ni Roque na ‘on top of the situation’ pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbaha sa Cagayan.

Giit ni Roque patuloy ang ugnayan ni Pangulong Duterte at Defense Secretary Delfin Lorenzana na siyang chairman ng NDRRMC sa mga kaganapan sa Cagayan at iba pang lugar na dumaranas ng matinding pagbaha.

Maging sa Department of Health, Department of Social Welfare and Development at Department of Public Works and Highways ay puspusan aniya ang koordinasyon ng Pangulo para maayos ang kalagayan ng mga nasa Region 2.

“President Duterte is in Malago compound in Malacanang where ASEAN meeting is happening,” paliwanag pa ni Roque.

Kumilos na rin aniya ang ilang ahensya ng gobyerno para saklolohan ang mga kababayan nating apektado ng pagbaha.

“Government assets from various agencies such as Coast Guard, DoTr, AFP, PNP have been deployed to Cagayan to aid in rescue,” sabi pa ng tagapagsalita ng Palasyo.

Sinegundahan ito ni Senator Christopher “Bong” Go at iginiit na pinagamit ng Pangulo ang lahat ng assets ng pamahalaan para masagip ang mga kababayan.

“Sa ngayon, ang focus natin ay ang rescue efforts. Importante mailigtas ang buhay ng mga Pilipinong apektado. Kaya sinigurado agad ng Pangulo na handang magamit lahat ng assets ng gobyerno para masagip ang mga nangangailangan ng saklolo,” ayon kay Go.

“Tulad ng sabi ng Pangulo, kapit lang tayo dahil hindi tayo pababayaan ng gobyernong palaging nagmamalasakit sa bawat Pilipino. Magbayanihan at magtulungan tayo,” dagdag nito.

Gayunman ay aminado si Go na kailangan ng bansa ng epektibong mekanismo para maging holistic, integrated, at streamlined ang disaster preparedness, response, recovery and rehabilitation efforts.

“Habang ipinaglalaban natin ang pagsasabatas ng [Department of Disaster Resilience], nagbigay na ng direktiba ang Pangulo na siguraduhing lahat ng ahensya ay well-coordinated at handang tumugon sa pangangailangan ng mga apektado hanggang makabangon sila muli,” sabi pa nito.

“Huwag na po tayong magsayang ng oras. Huwag na po natin antayin na may dumating pang matinding kalamidad na tumama sa ating bansa. It is time to scale up our preparedness and resiliency against natural disasters,” apela pa ng senador. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Duterte aligaga sa ASEAN, pandemya, mga binaha first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *