Dusa sa tag-init: Meralco-MVP may power interruption

MULING makakaranas ng panibagong serye ng power interruptions ang mga kostumer ng Manila Electric Company (Meralco) sa ilang lugar sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan ngayong linggo dahil umano sa ilang mga nakalinyang maintenance work.

The post Dusa sa tag-init: Meralco-MVP may power interruption appeared first on Abante News Online.

dusa sa tag init meralco mvp may power interruption - Dusa sa tag-init: Meralco-MVP may power interruption
abante meralco - Dusa sa tag-init: Meralco-MVP may power interruption

MULING makakaranas ng panibagong serye ng power interruptions ang mga kostumer ng Manila Electric Company (Meralco) sa ilang lugar sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan ngayong linggo dahil umano sa ilang mga nakalinyang maintenance work.

Base sa inilabas na abiso ng Meralco, ang power interruption ay nagsimula kahapon Marso 25, Lunes, at magtatagal hanggang sa Marso 31, Linggo.

Ayon sa Meralco, kabilang sa mga apek­tadong lugar ay ang Maynila, Quezon City, Valenzuela City, Caloocan City, Las Piñas City, Marikina City, Taguig City, at Malabon City, gayundin ang ilang lugar sa mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Kabilang sa isasagawa ng Meralco ay line reconductoring, paglilipat ng mga pasilidad, pagpapalit ng mga sirang poste ng kuryente at iba pa.

Matatandaang nauna nang nagpatupad ng power interruptions ang Meralco sa iba’t ibang lugar noong nakaraang linggo dahil na rin sa kanilang maintenance work.

Nilinaw naman ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga na hindi kakulangan sa suplay ng kuryente ang dahilan ng mga power interruptions.

Paliwanag nito na isinasaayos lamang nila ang kanilang mga pasilidad at mga linya ng kuryente para na rin sa pagbibigay ng maayos na serbisyo sa kanilang mga kostumer.

Humihingi naman ng pang-unawa ang kompanyang pag-aari ni Manny V. Pangilinan sa kanilang mga kostumer dahil sa abalang idudulot ng kanilang maintenance work na nataon pa namang mainit at maalinsangan ang panahon. (Edwin Balasa)

The post Dusa sa tag-init: Meralco-MVP may power interruption appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *