Duque umamin sa DOH korapsyon

Inamin ni Secretary Francisco Duque III sa Senado na may korapsiyon diumano sa ilang dating mga transaksiyon ng Department of Health (DOH).

The post Duque umamin sa DOH korapsyon first appeared on Abante.

duque umamin sa doh korapsyon - Duque umamin sa DOH korapsyon
duque - Duque umamin sa DOH korapsyon

Inamin ni Secretary Francisco Duque III sa Senado na may korapsiyon diumano sa ilang dating mga transaksiyon ng Department of Health (DOH).

Sa deliberasyon ng panukalang 2021 budget ng DOH sa Senado ay inusisa ang mga isyu tungkol sa public fund na ginamit sa maraming programa ng ahensiya sa mga nagdaang taon.

Bukod sa pondong ginamit sa Dengvaxia noong 2015 ay may pera ring inilagak sa health facility enhance program para sa pagpapatayo ng mga barangay health station sa buong bansa.

Noong 2016, lumagda ang DOH at J. Bros Construction sa P3.5 bilyong kontrata para sa pagtatayo ng mga barangay health station sa public elementary school.

Nakasaad sa kontra na 3,200 health station ang itatayo sa unang bahagi ng program.

Sa report ng DOH noon ay 270 lang ang naitayong health station.

Subalit nang isumite ng J. Bros Construction ang notice of termination of contract noong Marso 2018 sa DOH ay hiningi nila ang kabayarang P2.1 bilyon matapos isagawa ang unang at pangalawang bahagi ng proyekto.

Ayon kay Senada Pia Cayetano, sponsor ng DOH budget, sinunod lang umano ng ahensiya ang ruling ng Court of Appeals na nag-aatas sa ahensiya na bayaran ang J. Bros para sa 270 nakumpletong mga unit.

Kalaunan ani Cayetano ay pinutol ng DOH ang kontrata sa contractor. Na-blacklist din umano ang J. Bros subalit binaligtad ng korte ang nasabing desisyon.

Kinuwestiyon naman ng DOH ang naturang desisyon sa korte.

Tinanong naman si Duque kung talaga bang may korapsyon sa ahensiya at sinagot ni Cayetano, na noo’y nakaupo malapit sa hanay ng mga opisyal ng DOH, kabilang si Duque, na: “It’s under investigation. It is possible.”

Muling inulit ang tanong sa katiwalian sa DOH at sinabi muli ng senadora na, “The answer is yes. The Secretary was responding behind me and he said yes”. (Dindo Matining)

The post Duque umamin sa DOH korapsyon first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *