Duque petmalu ang agimat – Lacson

Ipinagtataka ni Senador Panfilo “Ping” Lacson kung anong klaseng agimat meron si Health Secretary Francisco Duque at hindi siya masibak-sibak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng napakaraming kapalpakan nito sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

duque petmalu ang agimat lacson - Duque petmalu ang agimat – Lacson
ping and duque 1 - Duque petmalu ang agimat – Lacson

Ipinagtataka ni Senador Panfilo “Ping” Lacson kung anong klaseng agimat meron si Health Secretary Francisco Duque at hindi siya masibak-sibak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng napakaraming kapalpakan nito sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Lacson, hindi lang naman siya o mga senador ang hindi sang-ayon sa Pangulo na panatilihin sa puwesto si Duque kundi maging ang mga taga-DOH at medical community na nanawagan para palitan na ito sa kanyang puwesto.

“It is not only me who disagrees with the President for not firing Secretary Duque. There were 14 senators who had earlier asked him to resign. I don’t think that number has changed,” sabi ni Lacson sa isang statement.

“Many others in the DOH and the medical community also want him to resign or be replaced. Having said that, I couldn’t understand what “amulet” or magic potion Duque has as far as the President is concerned,” dagdag pa nito.

Sabi ni Lacson, kung sa simula pang lang ay nagampanan nang mabuti ni Duque ang kanyang tungkulin bago pa kumalat ang virus sa bansa, hindi sana magkakaganito ang sitwasyon ngayon sa bansa.

“His failure to do a simple contact tracing on the co-passengers who took the same flight as the virus-infected couple from Wuhan, China, further aggravated by his refusal to assume responsibility by blaming other agencies of government when it was his duty to coordinate that effort was his first major offense in a series of devastating blunders,” ani Lacson.

“All these being considered, it is not difficult to understand why we are in this mess,” saad pa nito.

Sa speech ni Duterte noong Linggo ng gabi, muli nitong idinipensa si Duque mula sa mga kritisismo sa kanyang pagtugon sa krisis.

“Secretary Duque, they want your neck. Then I said: ‘Okay, you want me to fire Duque?’ Let me be satisfied. What was his sin? He did not import COVID,” pahayag ni Duterte.

“He was there all the time and ang infection was overwhelming not only for the Philippines. I do not want to compare it with any country, but it was a global thing,” dagdag pa nito. (Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *