Duque kay Locsin: Mag-move on na

Kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III na nasaktan siya sa “dropped the ball” remark ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr.

The post Duque kay Locsin: Mag-move on na first appeared on Abante.

duque kay locsin mag move on na - Duque kay Locsin: Mag-move on na
abante duque 3 - Duque kay Locsin: Mag-move on na

Kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III na nasaktan siya sa “dropped the ball” remark ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr.

Ang pahayag ni Locsin ay kaugnay sa sinasabing pagpalpak sa negosasyon sa pagkuha ng suplay ng mga bakuna laban sa COVID-19 mula sa Pfizer.

Sinabi ni Duque sa kanyang pagharap sa Kapihan sa Manila Bay virtual media forum na sana ay napag-usapan muna ang isyu, dahil ganito raw dapat sa professional governance.

Nang tanungin kung “in good terms” ba sila ni Locsin,sinabi ni Duque na bilang isang propesyunal ay trabaho na lamang daw ang dapat atupagin.

Gayundin, nakapagpaliwanag na rin siya kaugnay sa usapin.

Ani pa ni Duque, marami umano siyang ginagawa at mabibigat ang mga hamon na kinakaharap ng lahat dahil sa COVID-19 pandemic, kaya mas mainam na mag-move-on na lamang.

Sinabi pa ni Duque, hindi magandang pagtuunan ng oras ang mga bangayan at magkontrahan ng mga pahayag.

Sa ngayon, mas mainam na tutukan ang immunization program ng pamahalaan o target na mabigyan ng COVID-19 vaccine ang mga Pilipino.

Layunin umano ng gobyerno na maibalik sa normal ang pamumuhay ng mga tao at matiyak na makakamit ito sa 3 hanggang 5 taon na immunization program.(Juliet de Loza-Cudia)

The post Duque kay Locsin: Mag-move on na first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *