Duque humirit sa Senado na maging patas

Iginiit ni Health Secretary Francisco Duque III na wala itong salto at sala kaugnay sa iskandalong bumubulabog sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

The post Duque humirit sa Senado na maging patas first appeared on Abante.

duque humirit sa senado na maging patas - Duque humirit sa Senado na maging patas
abante duque - Duque humirit sa Senado na maging patas

Iginiit ni Health Secretary Francisco Duque III na wala itong salto at sala kaugnay sa iskandalong bumubulabog sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Kaya naman nagpahayag ng matinding pagkadismaya ang kalihim sa naging rekomendasyon ng Senado na isama siya sa mga pinakakasuhan hinggil sa isyu ng PhilHealth.

Hindi umano madali para sa kalihim na siyang nagsusulong at nagtataguyod ng public health care ng bansa na sabay-sabay na tugunan ang iba’t ibang usapin na may kinalaman sa Department of Health (DOH), Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) at PhilHealth.

Gayunpaman, pinagsisikapan umano ni Duque na magampanan ng buong husay at katapatan ang tungkulin nito.

“These are not normal times and it is not easy for me to just accept all the blows. I attended the Senate hearing to cooperate with the Senate in ascertaining the truth. I am disappointed though that the Senate has recommended the filing of charges against me when I have not done any wrongdoing,” pahayag ni Duque.

Kinuwestiyon ng kalihim kung bakit siya ang dinidikdik at pinag-iinitan ng todo sa usapin ng PhilHealth.

“How can the Senate implead me on Resolution No. 2515 series 2020 (Annex A), of which I did not participate in the deliberation and did not sign the said document? Why are they pinning me when the rest who participated in the deliberation and signed the IRM (Interim Reimbursement Mechanism) resolution were not included? Is the Senate so intent in removing me that they invent a finding that is not supported by official documents?” tanong ni Duque.
Muling pinagdiinan ni Duque na nakahanda itong linisin ang kanyang pangalan.

Kusang loob din umano nitong lilisanin ang kanyang puwesto kapag sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na kailangan ang kanyang serbisyo.

“If the findings are by design so that they can remove me, let it be said that I have a constitutional duty to do my job unless the President says otherwise. If my service is no longer needed, I will go but I will clear the name of my father first because I have not caused any injury to government,” ani Duque.

Sa kabila ng mga inaabot na kaliwa’t kanang atake at mga kinakaharap na isyu ay ipagpapatuloy pa rin ni Duque ang trabaho nito.

“We may have differences in policies, on how to manage the pandemic and the like, but I continue to do my job despite the attacks made against my person. Trabaho lang po,” pagbibigay-diin ni Duque.

Matatandaan na ang mga kahalintulad na usapin ay natalakay na sa Senado noong nakaraang taon sa ilalim ng Blue Ribbon Committee na pinangungunahan ni Senador Richard Gordon pero iba ang kinahinatnan partikular na ang mga pangalan na binabanggit na may sablay patungkol sa isyu ng PhilHealth.

Noong Abril 2020, nanawagan ang 14 senador na magbitiw na sa puwesto si Duque.

Kasama si Duque sa mga inirekomendang kasuhan ng Committee on the Whole ng Senado alinsunod sa Philhealth findings.
May kinalaman ang usapin sa pagpapatupad ng IRM at kabiguan na habulin ang tax liabilities ng mga health care institution ng pinakawalan ng PhilHealth ang pondo ng IRM.

Inilatag ni Senate President Tito Sotto ang sponsorship speech sa findings ng Committee on the Whole na bihira umanong gawin sa Senado.

The post Duque humirit sa Senado na maging patas first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *