Duque hugas-kamay sa kompanyang tumiba sa DOH

Duque hugas-kamay sa kompanyang tumiba sa DOH

NILINAW ni Health Secretary Francisco Duque III na nag-divest na siya sa family-owned pharmaceutical firm na nakakuha ng kontrata sa Department of Health.

duque hugas kamay sa kompanyang tumiba sa doh - Duque hugas-kamay sa kompanyang tumiba sa DOH
duque 6 - Duque hugas-kamay sa kompanyang tumiba sa DOH

NILINAW ni Health Secretary Francisco Duque III na nag-divest na siya sa family-owned pharmaceutical firm na nakakuha ng kontrata sa Department of Health.

Ayon kay Duque, hindi na siya konektado sa Doctors Pharmaceutical Inc. (DPI) nang maupong kalihim ng DOH noong 2017.

Taliwas umano ito sa isiniwalat ni Senador Panfilo Lacson na ang supply contract na pinagkaloob sa DPI ay tumagal hanggang Oktubre 2017, panahon na tinalaga ni Pangulong Duterte si Duque sa DOH.

“(I was appointed on October 26, 2017 but I swore in officially as Secretary of Health (on) November 6, 2017. So I wanna find out also the dates that are indicated in the (Inquirer report),” diin ni Duque sa ANC.
Pinaliwanag ng kalihim na taong 2006 pa siya nag-divest sa DPI, isang taon makalipas siyang italaga noon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa DOH noong 2005.

Pinaliwanag din niya na ang DPI na itinatag noong dekada 90, ibig sabihin ay matagal na itong sumasalang sa mga bidding sa gobyerno bago pa man siya naluklok sa DOH.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *