Dump truck sa Nueva Ecija kinarnap

PUSPUSANG imbestigasyon ang isinasagawa ngayon ng mga pulis sa San Leonardo, Nueva Ecija kaugnay ng pagtangay sa isang dump truck ng apat na armado noong Lunes nang umaga sa Brgy. Tabuating sa natu­rang bayan.

The post Dump truck sa Nueva Ecija kinarnap appeared first on Abante News Online.

dump truck sa nueva ecija kinarnap - Dump truck sa Nueva Ecija kinarnap
dump 1 - Dump truck sa Nueva Ecija kinarnap

PUSPUSANG imbestigasyon ang isinasagawa ngayon ng mga pulis sa San Leonardo, Nueva Ecija kaugnay ng pagtangay sa isang dump truck ng apat na armado noong Lunes nang umaga sa Brgy. Tabuating sa natu­rang bayan.

Sa ulat ni Police Major Jeffrey Alivia, nangyari ang insidente dakong alas-nuwebe nang umaga kung saan katatapos lang magbagsak ng buhangin ng dump truck driver na si Augi Cuevas Javier, 45, residente ng Brgy. Sampaguita, Gen. Tinio, Nueva Ecija.

Nabatid na ang dump truck na kulay berde, model 2017, may temporary plate 1201 ay pag-aari at nakarehistro kay Jessie Pajarillaga Bal Jr., 23, re­sidente ng Brgy. Concepcion, Gen. Tinio, Nueva Ecija.

Agarang pinababa umano si Javier at sapilitang isinakay sa isang SUV at iniwan sa gawing Brgy. Maligaya, San Miguel, Bulacan.

Batay umano sa nakalap na mga CCTV footage ay huling nakitang bumibiyahe ang dump truck sa Nueva Ecija at Tarlac.

The post Dump truck sa Nueva Ecija kinarnap appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *