Dump truck nahulog sa bangin: 2 todas

PATAY ang dalawang katao habang 11 ang sugatan matapos mahulog ang dump truck na puno ng pasahero sa tatlong-metrong bangin sa Bacarri, Tabuk Road, Kalinga noong Miyerkoles nang gabi.

The post Dump truck nahulog sa bangin: 2 todas appeared first on Abante News Online.

dump truck nahulog sa bangin 2 todas - Dump truck nahulog sa bangin: 2 todas
dead 2 - Dump truck nahulog sa bangin: 2 todas

Ni:Allan Bergoria

PATAY ang dalawang katao habang 11 ang sugatan matapos mahulog ang dump truck na puno ng pasahero sa tatlong-metrong bangin sa Bacarri, Tabuk Road, Kalinga noong Miyerkoles nang gabi.

Kinilala ng Kalinga Police Station (KPS) ang mga namatay na sina Lorrea B. Bocco at Lolita B. Vinoray, pawang mga residente sa nasabing bayan.

Samantala, ang mga sugatan ay nakilala na sina Cresencia Gubia-on Puyao; Jethro Calayo Vinoray, 37; Dimple Bakilan Vinoray, 8; Rea Mae Balcanao Boccao, 19; Janivine Sangdaan Batoy; Santiago Calwat; Joseph Batoy; Hitler Talawec; Arcenio Wailan; Illen Ventura at Delia Balacanao Boccao, 49, lahat ay taga-Bunot, Paracelis, Mountain Province.

Sa inisyal na imbestigasyon ng KPS, nagkaroon ng mechanical defect ang dump truck na may lulan na 13 pasahero na minamaneho ni Robinson B. Baguiwan na sanhi upang dumausdos ito paatras hanggang sa mahulog ito sa bangin.

Ayon sa mga rescue team, sina Bocco at Vinoray ay parehong namatay habang dinadala sa Kalinga Provincial Hospital dahil sa mga tinamong malalalim na sugat sa ulo at katawan habang ang ibang biktima ay isinugod sa Tuguegarao-Cagayan Valley Medical Center.
Patuloy ang ginagawang follow-up investigation hinggil sa nasabing aksidente.

The post Dump truck nahulog sa bangin: 2 todas appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *